^
Sen. Grace, papalitan ng anak sa senado?!
Sen. Grace
STAR/ File

Sen. Grace, papalitan ng anak sa senado?!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

Gwapo na, generous pa ang mga papuri sa unico hijo ni Senator Grace Poe  na si Brian Poe-Llamanzares na may chikang kakandidatong senador sa 2022.

Tuluy-tuloy kasi ang pag-aasikaso nito sa Panday Bayanihan Foundation na hindi niya rin kinalimutan nung kanyang birthday.

Ayon kay Brian, “The Panday Bayanihan Foundation was established in response to Typhoon Maring in 2013 that affected 2.5 million Filipinos. Since then, naging misyon na namin ang magbigay ng tulong  in times of calamity and now also send aid to frontliners and the vulnerable during the pandemic,” aniya.

Si Brian ang Chairman ng foundation at bilang chairman, pinangunahan na diumano nito ang kabuuang 269 relief operations last year kung saan libu-libong masks, gloves, PPE suits, face shields, test kits, and gallons of alcohol ang pinamigay nila.

Nakapamigay din diumano sila ng umabot sa P600,000.  “Celebrating my birthday in quarantine the second time around, I want to do it in the most meaningful way I can think of— giving back to the groups we’ve been working closely with in the past year,” say pa niya na Chief of Staff din sa senate office ng mommy niyang Sen. Grace Poe na chairperson ng  Senate Committee on Public Services.

Btw, speaking of Sen. Grace, sinabi nitong P5.58 billion ang naka-allot para sa mga jeepney driver sa Bayanihan 2 bill. At siniguro rin ni Sen. Poe na walang jeepney phaseout during the pandemic.

Magtatapos na nga ang term ni Sen. Grace sa Senado kaya may isyung si Brian nga ang papalit dito.

May non-showbiz daw itong girlfriend sa kasalukuyan.

GRACE POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with