^
Jessica Soho matindi ang trauma sa social media nina, Sitti, Mahal, hinanapan ng apelyido
Jessica Soho
STAR/ File

Jessica Soho matindi ang trauma sa social media nina, Sitti, Mahal, hinanapan ng apelyido

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

Aminado si Jessica Soho na nagkaroon siya ng trauma sa paggamit ng social media, sa first episode ng podcast ni Howie Severino last week.

Aniya, nang magkaroon ng launching ng iPad may nag-tweet ng ‘Oh, the iPad, when Jessica Soho holds the iPad, it looks like the iPhone.’ So you know, I was body-shamed for that,” naalala ng veteran broadcast journalist.

Chika pa niya na hindi na rin halos ma-distinguish sa social media kung ano ang legit at fake news kaya sa mismong mga news website siya nagbabasa.

Kaya naman kahit trending sa social media ang mga episode ng programa niyang Kapuso Mo, Jessica Soho, wala siyang kahit anong social media account.

Ngayong Sunday sa KMJS, ang pagsasayaw ng araw sa gitna ng pandemya, na-video diumano sa Agusan habang ang isang manggagamot sa Cebu, humuhugot daw ng kapangyarihan sa dancing sun? Gaano ito katotoo?

Ngayong lockdown pa rin, sagot din nila ang travel goals ng manonood sa pamamagitan ng virtual tours. Ipapasyal ng programa sa mountain resort na mala-Paris ang feels sa Bataan at sa itinuturing na isa sa 2021 Best Holiday Destinations na luxury resort sa Siargao na mapapanood ngayong Linggo.

Sa Misamis Occidental sa Mindanao naman, malaking balita ang diumano nangangatok sa mga bahay-bahay na kulto para pumatay.

Ang latest na pinagkakatuwaan ng netizens: ano raw ba ang apelyido nina Nina, Sitti, Mahal, atbp. What’s in a name nga ba?

Marami ang nabibighani sa pictures ni Charene sa Facebook. Pero bakit kapag nakita na siya nang personal, biglang nanlalamig ang kanyang mga ka-chat? Ano ang natuklasan nila kay Charene?

At ang inaabangang resulta ng DNA test ng magkakapatid na Teresa at Corazon sa hinihinala nilang mag-a-anim na dekada nang nawalay nilang ka-triplet na si Victor—ibubunyag na!

Anyway, mapapanood ang KMJS tuwing Linggo, 8:40 p.m. sa GMA.

JESSICA SOHO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with