^

PSN Showbiz

Dalawang beses na-grabe ng depression at naparalisa, JM gusto na uling makipagrelasyon!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dalawang beses na-grabe ng depression at naparalisa, JM gusto na uling makipagrelasyon!
JM

Sa aming na­ging panayam kay JM de Guzman ay inamin ng aktor ang dahilan kung bakit wala pa ring bagong kasintahan sa ngayon. Nakaranas umano ng depresyon ang binata pagkatapos makipaghiwalay sa kasintahan noon. “Twice, ‘yung talagang depression and naparalisa ako,” bungad ni JM.

Matatandaang kontrobersyal ang naging hiwalayan ng aktor at Jessy Mendiola bilang magkasintahan mahigit limang taon na ang nakalilipas. Para kay JM ay walang ibang dapat sisihin sa mga hindi magandang nangyari noon kundi ang kanyang sarili. “Kasi I’m too dependent. Kailangan ko kasing ma-supplement sa void na meron ako. Like dependent ako sa mga bagay o tao na ito. Tapos ‘pag nawawala sila, nando’n pa rin ang void. So if I’m not doing something about this void, it will just be a cycle. So I need to do something about it,” makahulugang pahayag ng binata.

Ngayon ay nauugnay si JM kay Arci Muñoz. Mula kolehiyo ay talagang matalik na magkaibigan na ang dalawa. Kahit nakakaramdam ng takot na makipagrelasyon muli ay gusto na rin umano ng aktor na magkaroon ng kasintahan. “Takot pero hindi ko ma-deny sa sarili ko na gusto ko na din. Gusto ko na mag-commit, gusto ko ng relasyon. Gusto ko pahalagahan muna itong ibinigay sa akin at maging okay na tao, maging better than yesterday. And in my mind na pangarap kong bahay, before I get into a commitment, naka-ready na para do’n,” pagtatapat ng aktor.

Aleck, hanga sa kaseksihan ni Yam

Malaki ang pasasalamat ni Aleck Bovick sa ABS-CBN dahil sa pagbibigay ng bagong proyekto. Kabilang ang aktres sa teleseryeng Init Sa Magdamag na mapapanood na sa Kapamilya Channel simula ngayong Lunes. “Hopefully huwag pong magsawa ang ABS na kunin po ako sa iba’t ibang mga shows. Sobrang nakaka-humble kasi sa dami ng mga actors natin sa ating bansa, isa ako sa nakikita nila,” nakangiting pahayag ni Aleck.

Sina Gerald Anderson, JM de Guzman at Yam Concepcion ang pa­ngunahing bida sa bagong serye. Napahanga umano si Aleck sa taglay na ganda at galing ni Yam bilang isang artista. “Si Yam unkabogable siya kasi sexy talaga. Ang ganda ng mukha niya, na kahit anong makeup ang gawin mo sa kanya, kahit anong hair ang gawin mo sa kanya, maganda talaga siya,” paglalahad ng aktres.

Sikat na sikat din si Aleck noon dahil sa pagpapaseksi sa mga pelikulang ginagawa. Para kay Aleck ay talaga magkaibang-magkaiba ang kanyang mga ginawa noon kumpara sa pagpapaseksi ni Yam ngayon sa mga proyekto. “’Yung pagpapa-sexy kasi niya mas elegant na ngayon. Mas cute na tingnan compare do’n sa panahon namin,” paliwanag ni Aleck. Reports from JCC

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with