^
GMA Now, pinusuan ng netizens
Alden
STAR/ File

GMA Now, pinusuan ng netizens

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

In all fairness, umaani ng papuri sa netizens at mga manonood ang plug and play dongle ng Kapuso Network na GMA Now.

Inilunsad nitong Pebrero lamang, ang GMA Now ay isang mobile digital TV receiver na maaaring gamitin sa Android smartphones upang mapanood ang live broadcast ng Kapuso channels nang libre.

Gamit ang GMA Now app, mapapanood ang latest shows na nasa GMA, GTV, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, at ang pinakabagong digital channel na I Heart Movies gayundin ang free-to-air channels na available sa area nang hindi na kinakailangan pa ng internet connection.

Kapag online naman, nae-enjoy rin ng GMA Now users ang exclusive interactive features kung saan puwede silang gumawa ng groups at makipag-chat sa kanilang mga pamilya at kaibigan habang nanonood ng TV sa pamamagitan ng Groupee Chat; balik-balikan ang mga paboritong Kapuso show sa GMA Videos-On-Demand; at may chance pang manalo ng papremyo sa masasayang quizzes sa Interactive Promos.

Masayang ibinahagi ng mara­ming u­sers sa iba’t ibang platforms ang kanilang experience sa bagong game-changing entertainment device ng GMA.

Marami ring tech reviewers sa YouTube ang nagbigay ng big thumbs up sa GMA Now at isa raw itong “tiny device that’s not to be underestimated.” Natuwa sila sa kung gaano kadali ang pag-set up dito at pagiging user-friendly ng interface at wala ring hidden charges. Ipinunto rin nilang puwedeng magamit ang GMA Now kahit sa budget smartphones at hindi ito mabilis makaubos ng battery.

Magiging useful din diumano ito sa panonood ng mga pinakabagong balita lalo na tuwing emergencies at kung walang kuryente.

Patuloy na pinapalawak ang coverage ng GMA Now. Sa ngayon ay avai­lable ito sa portions ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Abra, Ilocos Sur, Baguio City, Pangasinan, Batangas, Metro Cebu, Metro Davao, at Cagayan de Oro.

Sa halagang P649 at walang kinakailangang monthly fees, makakapanood ka na ng TV on-the-go for free at mae-enjoy mo pa ang exclusive interactive features ng GMA Now!

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with