^
Bong, hinihintay na sa agimat ng Agila
Bong
STAR/ File

Bong, hinihintay na sa agimat ng Agila

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

I can feel na talagang mahal ng mga taga-showbiz ang mga taong hindi nakalimot lalo na ngayong pandemic. ‘Yung kahit papaano ay nag-extend ng helping hands dahil alam nila na affected ang trabaho ng halos lahat sa showbiz.

Palibhasa ang pamilya Revilla ay talagang mula’t sapul nasa showbiz na kaya naman hindi kataka-taka na malapit ang puso nila sa mga taga-industriya.

Nagpapasalamat ang showbiz writers na talagang kahit sa konting bagay ay nandiyan sila para tumulong.

Siguro nga, nakita ni Bong Revilla na noong panahong meron siyang problema, ang suporta sa kanya ng mga kasamahan ay hindi nawala. Nandiyan sila para maging emotional clutch niya, tahimik na nagdarasal para sa kanya. Kaya naman ngayon, una siya na tumulong, nagpahatid ng maliit na sign ng pagmamahal dahil nga nakikita niya ang hirap ngayong pandemic.

‘Yung sensitive side nilang magkakapatid na laging bukas-palad para sa mga kasamahan.

Malapit na ang Agimat ng Agila sa GMA 7, isa itong malaking project sa pagbabalik-TV ni Bong Revilla, at sana tulad ng mga nauna niyang projects noon, tangkilikin ng lahat ng followers niya.

Love begets love, sincere ang pagmamahal ni Bong  sa tao, mula sa puso ang kanyang pagtulong, kaya hanggang ngayon kahit pinipilit siyang ibagsak ng ewan ko, ilang tao na inggit yata sa nakita nilang pagmamahal kay Bong ng followers niya, hindi siya natitinag.

Alden, maraming natutunan sa mga beterano

Very lucky ang young stars na nakakasama sa project nila ang senior stars na puwede nilang ma­ging katulong para sa kanilang acting skills.

Tulad na lang ‘pag ang major supports mo ay the likes of Christopher de Leon, Tonton Gutierrez at Gardo Versoza through observing them sa trabaho, parang nag-workshop ka na.

Iyan ang isang bagay na ginawa noon ni Alden Richards, ‘yung talagang mga kasama niyang older stars lagi niyang pinapanood sa set para makita how they interact, paano magbitaw ng dialogues at paano ma­kisama. Kaya si Alden alam na alam how to act at makisama sa lahat.

Dapat ganyan ang ginagawa ng young stars, observant dapat sila sa mga nagaganap sa paligid nila. At parang workshop nga sa kanila, tingnan nila kung paano mag-interpret ng isang eksena ang mas senior na stars, kung paano bumato ng dialogues. Para makita nila how this stars ay nandiyan pa rin hanggang ngayon.

Suwerte nila ‘pag ganito ka-strong ang support nila sa kanilang project. Imagine mo, newbie sila, pero icon na ang mga kasama nila.

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with