^
James, hindi pinatulan si Sec. Harry Roque
Harry
STAR/ File

James, hindi pinatulan si Sec. Harry Roque

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

Walang reaksiyon si James Reid sa biro ni Secretary Harry Roque. Walang dudang nagpapatawa lang naman si Roque nang magkuwento siyang nagtanong siya kung ipinagbibili at kung magkano ang picture ni James Reid, at sinagot daw siya ng sales lady na “hindi po picture ni James Reid iyan. Salamin po iyan.”

Sino ba naman ang magsasabing seryosong statement iyon, eh kahit na isang kilometro ang layo, hindi mo mapagkakamalian si Harry Roque na si James Reid. Kung bakit naman si James Reid ang napili niyang pangalanan sa lumang joke na iyan ay siya lang ang nakakaalam.

Minsan siguro naiisip din ni Roque ang magpatawa dahil nakakabagot ang kanilang routine sa trabaho nila. Mahirap ang trabaho ng isang spokesperson, at lalong mahirap ang mag-da­mage control. Dumarating talaga ang panahon na nakapagbibigay ka ng statement na wala sa ayos, kasi kailangan na may sabihin ka na lang.

Kagaya nga noong minsan din na sinabi niyang pinakamabuting bakuna ang Sinovac, lalo na sa senior citizens. Hindi naman siya doctor, at nauna riyan, sinabi na ng FDA na hindi bagay iyan sa frontliners at seniors, pero kailangan niyang sabihin iyon dahil walang maialok na ibang bakuna ang gobyerno kundi ang donasyon ng China.

Minsan nawawalan na rin siya ng depensa maging para sa sarili niya, tulad nang tanungin siya kung bakit mabilis siyang nakakuha ng kuwarto sa PGH, pero iyon ba naman ay kailangan pang tanungin lalo’t kung iisipin na isang government hospital din ang PGH?

Pero palagay namin alam naman ni James Reid na iyon ay biro lang ng sekretaryo, malamang mag-react lang si James  kung uulanin siya ng tuksong kamukha siya ni Harry Roque.

May mga bagay na talagang biruan lang at hindi naman dapat na seryosohin. Alam naman natin kung kailan nagbibiro ang isang tao, at kung kailan siya seryoso.

Kung iyong mga basher niya ay sinagot pa ni Harry Roque at ipinilit na talagang look-alike siya ni James Reid, ibang usapan na iyon. Pero hindi naman niya pinansin ang bashers eh, siguro nga natatawa rin naman siya sa sinasabi ng mga iyon.

Star Magic, nagbanta sa bashers

Naglabas ng isang matinding statement iyong Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN na dating nasa pangangalaga ng director na si Johnny Manahan. Sabi nila, naniniwala silang mali at hindi na dapat payagang makalusot na lang ang bashers na naninira at nagbabanta pa sa mga walang malay na anak ng kanilang stars.

Iyang reaksiyon na iyan ay kasunod ng pamimintas ng bashers sa anak nina Janella Salvador at Markus Paterson, at pagbabanta naman sa anak nina Carlo Aquino at Trina Candaza. Sinabi nilang nakasuporta sila sa kung ano mang aksiyon ang gagawin ng kanilang stars laban sa mga nanira sa kanilang mga anak.

Tama naman ang sinabing iyon ng Star Magic, pero hindi nila sinabi kung anong tulong nga ang gagawin at magagawa nila.

Kukuha ba sila ng imbestigador at mga abogado para mausig ang bashers na iyan? Ano ang gagawin nila matapos ang inilabas nilang statement? O ginawa lang nila iyon para masabing “may Star Magic pa pala, kahit wala nang franchise ang ABS-CBN.”

Sikat na lalaking personalidad, sa tambayan ng mga bading napulot

Aywan kung bakit naging usap-usapan sa mga chat na ang isa raw male star na sikat na ngayon ay “may madilim na karanasan sa loob ng sinehan.”

Kilalang-kilala raw ang male star noong araw sa isang sinehang “third run” na istambayan ng mga bakla at mga “bagets na alam na ninyo.”

Ang totoo, doon daw nakita at na-discover ng isang gay movie writer ang male star, bago pa man makilala noon ang manager at nagdala sa kanya sa isang dermatologist maging sa dentista na umayos sa kanyang ngipin. Hindi lang daw siya, marami pang LGBTQ na tetestigo na totoo ang sinasabi niya.

Ang sa amin naman, sumikat na iyong tao at nagbago na ang buhay, siguro naman kahit na sinong nasa kalagayan niya ngayon ay ayaw nang maalala kung ano man ang naging karanasan niya sa madilim na sinehan. Bakit pa niya babalikan iyon at ipapaliwanag pa.

Sa Venus ba iyon Favatinni San?

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with