^
Ka Tunying kinasuhan ang empleyadong tumangay ng P15 milyon
Anthony Taberna
STAR/ File

Ka Tunying kinasuhan ang empleyadong tumangay ng P15 milyon

Jun Nardo (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2021 - 12:00am

Nakakalungkot din ang nangyari sa broadcast journalist-businessman na si Anthony Taberna na kilala rin bilang si Ka Tunying.

Isang halimbawa ang, “Mag-ingat sa mga taong hindi mo kilala. Pero mas mag-ingat sa taong kilala mo na!”

Naririnig namin ‘yan noon sa namayapa nang Queen of Intrigues na si Lourdes Carvajal o Inday Badiday.

Kaugnay ito ng pagsasampa ng kaso ni Ka Tunying laban sa dating empleyado ng negosyo niya at isang bank officer ng kasong Qualified Theft sa Quezon City Prosecutor’s Office dahil umano sa pagkulimbat ng halagang P15M sa kumpanya ng broadcaster na Taberna Foods na nasa likod ng Ka Tunying’s Café.

Ayon sa reklamo ni Taberna, ni-report ng empleyado niya sa isang board meeting na stable ang finances ng kumpanya. Ipinakita pa niya ang bank records bilang proof.

‘Yun nga lang, nagtaka si Ka Tunying nang tumalbog ang ilang tsekeng inisyu ng kumpanya sa suppliers last November 2020. Nang magtanong siya sa banko tungkol dito, saka niya natuklasan na nagbukas ng ibang pitong bank accounts ang empleyado niya sa pangalan ng Taberna Foods.

Ang empleyado rin daw ang nagkumbinsi kay Ka Tunying na magbukas ng bank account kung saan nagtatrabaho ang bank officer.

Ayon pa sa reklamo, mayroong Grave Abuse of Trust and Confidence sa pagbubukas ng pitong bank accounts nang walang approval ng kumpanya.

Nakakalungkot ang pangyayari sa panahong nangangailangan si Anthony ng pera para sa anak niyang may sakit na leukemia.

Magsilbing aral sa mga negosyante ang nangyari kay Anthony na lubos na nagtiwala.                                                                        

ANTHONY TABERNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with