^

PSN Showbiz

Nikki Valdez, mister ipinagdiwang 'weeksary' ng paggaling sa COVID-19

James Relativo - Philstar.com
Nikki Valdez, mister ipinagdiwang 'weeksary' ng paggaling sa COVID-19
Litrato ng aktres na si Nikki Valdez (kaliwa) kasama ang asawa na si Luis Garcia, ika-15 ng Abril, 2021
Mula sa Instagram account ni Nikki Valdez-Garcia

MANILA, Philippines — Ilang araw matapos lubayan ng coronavirus diseease (COVID-19), panibagong buhay ang sine-celebrate ng aktres na si Nikki Valdez-Garcia kasama ang mister si Luis Garcia dahil sa paggaling sa nakamamatay na virus.

Pitong araw na simula nang gumaling sa kinatatakutang sakit ang mag-asawa, na nagsisilbing paalala raw sa kanilang mas alagaan ang pangangatawan.

"It’s our COVID recovery Weeksary!!!" sabi ni Nikki sa kanyang Instagram post, Huwebes.

"Sabi nila kahit fully recovered ka na, may long-term effect sa body at vital organs mo ang virus so kailangan pa rin ng continuous monitoring at pagpapalakas ng sistema at katawan. So Luis and I have started our daily dose of Vitamin D this week."

 

 

Ilang araw pa lang nang unang ibahagi nina Nikki ang masalimuot na tinahak ng kanilang pamilya dahil sa COVID-19, bagay na "napakasakit" daw para sa kanila lalo na't hindi nila alam paano magre-react dito.

Nakakatakot pa raw lalo na't kasama nilang nakatira sa bahay ang anak nilang babae pati na ang ina niyang senior citizen — isang sektor na mas prone sa malulubhang komplikasyon ng COVID-19 at pagkamatay sa virus.

Pinakamahirap daw sa lahat ay ang mga unang araw ng sakit: minsan okey, minsan hindi. "Body aches, flu-like feeling a 1000x worst (but temp was normal— weird!!!), mild dry cough and 10-12 hours of sleep was not enough... COVID is more than a virus. It will toy not only with your physical health but mostly with your emotions. Its been the hardest first 7 days in isolation," sabi niya noong Biyernes.

 

 

Labis din niyang pinasalamatan ang lahat ng pamilya, kaibigan at mga doktor na walang-humpay na suporta at pag-aalaga ang ibinigay sa kanila.

"Stay strong. Stay healthy. Gawin natin lahat para sa sarili para mabuhay ng matagal para sa mga mahal natin sa buhay," pagtatapos ng aktres.

Sunud-sunod na celebrity infections

Maliban kina Nikki, kasalukuyan pa ring naka-isolate sa ika-21 araw para sa COVID-19 ang aktres na si Sunshine Cruz, na una nang nagpositibo ang RT-PCR test noong ika-27 ng Marso.

 

 

Huwebes lang din nang ikwento ng komedyanteng si Dennis Padilla ang kanyang pagkakahawa, dahilan para maospital siya ng hanggang 12 araw.

Ngayong linggo lang din nagnegatibo sa COVID-19 ang actor-turned-president na si Joseph "Erap" Estrada matapos mailagay sa mechanical ventilation.

Kamakailan lang din nang iulat na nagpositibo sa nasabing karamdaman ang mga Miss Universe candidates ng Argentina at India na sina Alina Luz Akselrad at Adline Castelina.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

JOSEPH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with