^
Derek, laglag sa serye nina Carla at Max? Jennylyn gagawa ng out-of-the-box, Dingdong may alternate!
Derek
STAR/ File

Derek, laglag sa serye nina Carla at Max? Jennylyn gagawa ng out-of-the-box, Dingdong may alternate!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

Grabe, tambak ang mga bagong programa ng GMA 7 na sunud-sunod na ipalalabas. Aabot diumano sa 100.

Malapit nang mapanood ang cultural drama series na Legal Wives starring Dennis Trillo kasama ang mahuhusay na actress na sina Alice Dixson, Bianca Umali, and Andrea Torres with Cherie Gil.

May second season naman ang I Can See You -  On My Way To You nina Ruru Madrid and Shaira Diaz; #Future bannered by Miguel Tanfelix, Gabby Eigenmann, Kyline Alcantara, and The Lookout featuring Barbie Forteza, Paul Salas and Christopher de Leon.

Susunod na rin ang I Left My Heart in Sorsogon starring Heart Evangelista-Escudero, Paolo Contis and Richard Yap.

At pagkatapos ng kanilang pairing sa I Can See You: Love on the Balcony, balik-tambalan sina Alden Richards and Jasmine Curtis-Smith sa drama series na The World Between Us kasama si Tom Rodriguez.

Out-of-the-box concept naman ang gagampanan ni Jennylyn Mercado sa seryeng Love. Die. Repeat.

Magkasama naman sina Carla Abellana and Max Collins sa drama na To Have and To Hold. Walang binanggit ang GMA kung ka-join pa sa serye si Derek Ramsay.

Ma-in love naman sa story ng Heartful Café, na pagbibidahan nina Julie Anne San Jose alongside David Licauco and EA Guzman.

Nakalinya na rin ang mga programa nila sa GMA Afternoon Prime kabilang ang remake ng classic movie na Nagbabagang Luha bannered by Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Mike Tan and Ms. Gina Alajar.

Kasama rin sa line-up ang tandem nina Rita Daniela and Ken Chan sa balik-tambalan nilang Ang Dalawang Ikaw.

Inaasahan ding tatangkilikin ang Las Hermanas starring Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Silva, Jason Abalos, with  Albert Martinez na balik-Kapuso

Kakaiba naman ang Artikulo 247 headlined by ensemble cast – Rhian Ramos, Mark Herras, Jackie Rice and Rocco Nacino.

Magkakaroon din ng second season ang Prima Donnas na pangungunahan pa rin nina Jillian Ward, Althea Ablan and Sofia Pablo.

Malapit na ring mapanood ang action-packed family drama na Agimat ng Agila featuring the much-awaited TV comeback of Ramon “Bong” Revilla Jr. with Sanya Lopez, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee among others.

Hinahanda na rin live action adaptation ng anime series na Voltes V: Legacy.

Ganundin ang action-adventure series na Lolong.

Kasama rin sa mga programang pinagkakaabalahan ng GMA Public Affairs ang Sireno, Mask, Version 2, Love Comes, Love Ghosts, Ang Babaeng Walang Pangalan, Sikreto Ng Hardin, Plastic Pandemic and the revamped Road Trip.

Meron din silang The Witness, Maria Clara, The Love Connection, Little Princess, Raising Mamay, Widow’s Web, and the mini-series Alternate starring Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Hindi lang ito, marami pang ibang mga kakaibang programa ang inihahanda nila para sa Kapuso viewers kaya sure na ang mga artista nila ng trabaho sa gitna ng pandemya.

GMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with