^
Alessandra choice maging jobless, kinuyog sa punang pag-retouch sa Manila Bay
Alessandra
STAR/ File

Alessandra choice maging jobless, kinuyog sa punang pag-retouch sa Manila Bay

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

Kinuyog ng bashers si Alessandra de Rossi kahapon matapos siyang mag-tweet ng “Buti pa Manila Bay na-retouch na. Kami, hulas pa rin. #sanaall.”

Ito ay matapos nga kasing tambakan uli ng dolomite ang ilang portion ng Manila Bay last Tuesday habang dumaranas ng matinding health crisis ang bansa.

Part diumano ito ng P389 million project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa rehabilation ng Manila Bay.

Reaction kasi ng iba, wala raw ka­sing magawa si Alessandra kaya lahat napapansin. Sumagot ito na jobless siya by choice. “I don’t know kung bat pag walang masagot na matino, trabaho ko issue. Wala naman akong matututulong sa covid 19 kahit ma­ging superstar pa ako sa outer space. Hello?! I’m jobless by choice. Sinadya ko yun. Ganun ako eh. Toinks!”

Pero bakit nga ba inuna ‘yun? Ang dami kayang puwedeng tulungan sa nagaganap ngayon. ‘Yung mga jeepney driver, tuloy ang panlilimos.

Naalala ko tuloy ‘yung isang nag-viral na lola na pulos barya ang dinalang pambili ng gamot sa drug store. Eh P200 lang daw ‘yun, ang worth ng gamot eh sa resita niya P1,200. Buti na lang merong isang nagmagandang loob na kasabay niya na bayaran ang kailangan ni lola.

Well, sana kung puwedeng kainin ang dolomite noh.

ALESSANDRA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with