^

PSN Showbiz

Angelica tuloy na ang pagbabu sa teleserye!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Angelica tuloy na ang pagbabu sa teleserye!
Angelica
STAR/ File

After 30 years...

Same pa rin ang sagot ni Angelica Panganiban na huling teleserye na niya ang Walang Hanggang Paalam na ending this week.

Sa unang presscon para sa nabanggit na teleserye, na-mention na niyang pahinga na siya sa mga teleserye, may pagbabago ba sa kanyang desisyon ngayon?

“Siguro hindi naman siya overnight ko lang pinag-isipan hindi naman siya ‘yung naisip ko na ‘ay may presscon bukas gagawa nga ako ng pasabog gagawa nga ako ng ingay’ parang, ‘di naman siya ganun. Siyempre bago ako umabot sa point na ‘yun maraming-marami naman akong kinonsider at bago naman talaga tanggapin itong show na to, kumbaga nandun na ko sa stage na kung ‘yung ginawa namin ni Z (Zanjoe Marrudo) na Play House iniisip ko ‘yun na ‘yun na ang magiging last project ko pagdating sa TV at magiging masaya na ako,” umpisa ni Angelica nang patanong namin ang tungkol dito.

“Kumbaga gusto ko na siyang iwan, kaya lang ang nangyari syempre nag-pandemic. So parang sino ba naman ako para tumanggi sa trabaho samantalang ang dami-daming nanghi­hingi ng trabaho ‘di ba.

“So ayun kinonsider ko syempre kasi alam kong iba-bubble kami tapos hanggang December aabutin ‘yung shoot (from July to December) kumbaga pabalik-balik lang kami. Ila-lock-in then iuuwi so parang malaking risk siya.

“Bago siya sa lahat, bagong experience sa lahat. Syempre nung na-experience ko na ‘yung working kung paano ‘yung trabahong ginawa namin para sa show, dun na siguro ako na-convince na siguro nga last na ‘to kasi ‘yung pagod na puwede ko pang itrabaho, 50 years pa from now naibigay ko na sa show na to. Pati ‘yung luha po nung bandang dulo na wala na akong maipatak.

“Gusto ko nang turuan ng tricks ‘yung luha ko pa-side naman siya, ganun. Kahit nakatayo lang ako o kaya ‘yung pang cartoons na,” aniya.

Dagdag pa niya : “Ang dami ko nang gusto gawin para lang talagang ma-prove ko na wala na kong kailangan pang patunayan.

“So siguro ‘yun din, ayokong magsalita nang tapos pero malay mo dumating, 20 years from now, meron akong role na hindi ko talaga ma-resist kumbaga kaya kong lunukin ‘yung pride ko at ‘yung paninindigan ko. Then, wala naman sigurong mawawala sa akin pero siguro ngayon, ‘yun pa rin desisyon ko. Siguro kasi for almost 30 years,  ito naman ‘yung ginawa ko so parang sa kalahati ng buhay ko, gusto naman ibigay sa sarili ko, ‘yung deserve ko naman sigurong magpahinga pagdating sa paggawa ng teleserye,” mahabang paliwanag ng aktres the other night sa Walang Hanggang Paalam finale media conference.

Pero sa teleserye lang siya namamahinga dahil gusto pa rin naman niyang gumawa ng pelikula. “So far meron naman. May mga nakapila naman na gagawin kaya lang alam naman nating lahat na sa situation ngayon dahil pandemic napakahirap mag-develop ng isang project. Meron naman may mga exciting na projects na naka-line up.”

Ayun exciting dahil hindi ko rin alam kung kelan maisasa katuparan,” nangingiti niyang sabi.

At any rate, walang banggit si Angelica sa status ng lovelife niya though common knowledge na in love siya sa isang businessman na naka-base sa Subic. Pero hindi niya masyadong nilalantad sa social media.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with