^

PSN Showbiz

Kim, babalikan ang kolehiyo!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, babalikan ang kolehiyo!
Kim
STAR/ File

Malaki ang ipinagbago ng buhay ni Kim Chiu mula nang tanghaling Big Winner sa Pinoy Big Brother noong 2006.

Kahit namayagpag ang karera ng dalaga sa show business mula noon ay mayroon namang isang bagay na kanyang pinagsisisihan. “Isa ito sa mga regrets ko in life, na hindi ako nakatungtong ng college,” bungad ni Kim.

Masarap naman umano sa pakiramdam ng aktres na nasuportahan niya ang pag-aaral upang makapagtapos ang mga kapatid. “Dito ako dinala, masaya ako na napag-college ko ‘yung tatlo sa mga kapatid ko. And then nakapagtapos sila sa pag-aaral. I think it’s rewarding for me. I think ito talaga ‘yung tadhana,” giit ng dalaga.

Sinubukan ni Kim noon na mag-enroll ng kursong Business Management pero hindi niya rin ito natagalan.

Kung muling mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap pa ring makapagtapos ng kolehiyo ang dalaga. “Sa UPOU (University of the Philippines Open University), magkaklase lang ako online tapos may recitation. Magvi-video cam kami nung teacher dati. Dati pa pala uso na ang home schooling talaga bago pa itong pandemic na ito. But hindi ako nagtagal kasi hindi ko kinaya. Ang daming assignments and projects tapos nagteteleserye pa ako and nag-a-ASAP. Though hindi ko naman sinisi ‘yung mga projects na iyon. Because those are opportunities na hindi natin puwedeng palampasin. Ang pag-aaral I’m sure naman nandiyan lang iyan. There is always a way and time na makabalik tayo sa pag-aaral and makakakuha tayo ng college degree, soon. Hindi natin ‘yan iba-block. Let’s just look forward na matuloy ko ‘yung college ko,” pagbabahagi ng aktres.

Diego favor sa long engagement

Para kay Diego Loyzaga ay maganda pa rin na magkaroon ng long engagement ang isang magkasintahan bago magpakasal. Marami rin namang mga lumalagay sa tahimik kahit maikling panahon pa lamang naging magkarelasyon. “Oo naman, okay ang long engagement, pero puwede namang hindi. Depende ‘yon sa inyo kung gaano kayo mag-click kaagad. ‘Yung nagkakaintindihan na talaga, na on the same page na talaga kayong dalawa,” pahayag ni Diego.

Aminado ang aktor na napag-uusapan na rin nila ni Barbie Imperial ang tungkol sa kasal kahit ilang buwan pa lamang silang magka­sintahan. “Oo, sa nakikita ko. Kasi ‘yung pupuntahan n’yo eventually is marriage, have family, have kids. So ganoon ko siya tinitingnan with Barbie. And ganoon din naman niya tini­tingnan with me. We understand each other,” paglalahad niya.

May ilang bagay din umano ang hindi napagkakasunduan nina Diego at Barbie paminsan-minsan. “You’re two individuals who want to be a team or an item or parang a unit, isa kayo. So siyempre meron kayong mga differences, meron kayong mga hindi pagkakasunduan. Pero marami rin kayong mga likes sa isa’t isa.  It’s like any relationship naman. Even friendships ganoon din,” pagtatapos ng aktor.  (Reports from JCC)

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with