^

PSN Showbiz

Quezon City, pinuri ang sistema sa pagbabakuna

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Quezon City, pinuri ang sistema sa pagbabakuna
Mayor Joy
STAR/ File

Bongga ang Quezon City ha. Gusto kong purihin ang maayos na system ng pagpapabakuna ng Quezon City.

‘Yung mga barangay chairman, talagang in-announce ang date, oras at lugar kung saan puwedeng magpabakuna. At kailangan talagang purihin ang maayos na sistema nito, hindi magulo at hindi siksikan.

Bongga si Mayor Joy Belmonte, talagang makikita mo ang kagustuhan niya na matulungan ang mga taga-QC para maligtas sa COVID-19.

Ang ganda ng explanation ng mga doctor, ang pinakamahusay na bakuna ‘yung available. Kung ano ang ibibigay, huwag nang pumili, basta may panlaban tayo sa sakit, ok na iyon.

Una ang seniors, susunod na ang iba. Lahat magpabakuna na, labanan na natin ang COVID-19.

Salamat sa pag-aalaga, Mayor Joy Belmonte.

Talagang ikaw ang nanay ng Quezon City.

Nam Joo-hyuk, nag­paramdam sa pinoy fans

Ang cute naman ng ginawa ni Nam Joo-hyuk na pagbati niya sa Filipino fans niya na parang mahal na mahal niya ang Pilipinas.

Siguro naman dahil dalawang beses na siyang nagpunta rito sa atin, at kahit nga ‘horror’ ‘yung last experience niya na halos umiyak na siya.

Siguro naisip ni Nam Joo-hyuk na talagang mas­yado lang excited ang fans niya kaya naging physical ang naging pagtanggap sa kanya. Kaloka naman kasi na halos hubaran na siya at kurut-kurutin, at kung bakit hindi naging maingat ang security. Naging relax siguro dahil nakitang at home na at home si Sandara Park na talaga namang para na ring Pilipino dahil nga sa pagmamahal niya sa ating nung huling bisita niya sa Pilipinas.

Siguro this time medyo mahirap nang mag-meet and greet si Nam Joo-hyuk dahil mas tumaas na ran­king niya as star.

‘Katuwa talaga na kahit ganun ang experience niya sa fans dito, love pa rin niya tayo. Talagang go go tayo sa Korea ‘pag puwede na, dalawin uli natin si Sandara Park at hanapin natin ang mga oppa.

Halika na, Aries, samahan si Lola Lolit, hah hah.

vuukle comment

BELMONTE

LOLIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with