_ngayon
^

PSN Showbiz

Angel at Anne nagbigay ng P2 million na walang ingay, Mayor Vico nagpasalamat

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angel at Anne nagbigay ng P2 million na walang ingay, Mayor Vico nagpasalamat

Idadagdag ni Pasig Mayor Vico Sotto sa vaccination fund ang idinonate nina Anne Curtis and Angel Locsin na P1 million each.

Ayon kay Mayor Vico, iniwan lang ng dalawang Kapamilya actress ang check na binigay nila. Walang fanfare at walang media.

Ni hindi nga raw sila nagkita sabi nito (Mayor Vico) sa kanyang Facebook live.

Kaya naman pinasalamatan nito sina Angel at Anne na nanguna nga sa Shop & Share program kung saan sila naka-raise ng P6 million at hinati nga nila ito sa limang local government na nakikita nilang nasa tamang process ang pagbibigay ng bakuna kasama na ang Quezon City, Pasig at ang Red Cross.

Na-mention din ni Mayor Vico ang tungkol sa mga nagpapadala sa kanya ng photos habang binabakunahan sa puwet.

Hahaha.

“Ang dami ko na pong iniisip, ‘wag n’yo na pong idagdag ‘yung puwet ninyo sa iniisip ko,” pakiusap ng alkaldeng anak nina Coney Reyes and Vic Sotto.

Kakaloka nga naman na pati ba naman ‘yun, i-send pa kay Mayor.

Shooting allowed na uli, mga sinehan malabo pa rin sa MECQ

“Productions shoots are now allowed under MECQ. Remember: Maximum 50 pax at any given time. Stay safe! Safe Filming PH,” ang annoucement ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño pagkatapos na gawing Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang qua­rantine classification ng NCR Plus (Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal) from ECQ.

Kasama rito ang film, music and TV production shoots sa kanilang on-site operations.

‘Yun nga lang kailangang maging extra careful ang lahat.

Kahit pa nga kasi bakunado na ang iba, aminado ang China Centers for Di­sease Control, Gau Fu, na lumabas sa mga online portal na ang Chinese vaccines  “don’t have very high protection rates.” Though iba raw ang interpretation or translation from Chinese to English nito.

Eh kaso ‘yun ang available sa ating bansa sa kasalukuyan at in all fairness marami na ang nakapagpabakuna.

Wala pa akong guideline na nabasa tungkol sa mga sinehan although sino nga ba ang makikipagsapalaran sa physical movie houses sa kasalukuyan na kinukumpirma ng maraming expert na mas mabilis makahawa ngayon ang virus.

Eh nasa loob ng mga mall ang mga sinehan kaya malabo pa itong mag-open bukod pa sa may curfew pa rin from 8:00 p.m. to 5:00 a.m.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with