^

PSN Showbiz

Kahit sobrang liit na ng butas, aktres pinaninindigang hindi nagpagalaw ng ilong!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May mga artistang umaamin tungkol sa kanilang pagpaparetoke. Meron din namang kahit pitpitin na ang mga daliri sa mga kamay at paa ay nagdedenay pa rin.

Kani-kanyang paniniwala lang sila. May mga artistang gustong ipaalam sa publiko ang ginawa nilang pagpapaayos ng mukha at katawan, detalyado pa nga ang kanilang mga kuwento, kung paanong meron din namang sobrang malihim.

Bina-bash ngayon ang isang kilalang female personality dahil sa pag-amin niya na labi lang kuno niya ang dumaan sa retoke. May before and after pang mga retrato niya na lumalabas ngayon sa social media.

Kuwento ng aming source, “Sana, hindi na lang niya sinabi na lips lang niya ang dumaan sa retoke, sana, hindi na lang niya sinagot ang question, kasi nga, maraming hindi naniniwala sa kanya.

“Marami kasing may proof na hindi naman ganu’n katangos ang ilong niya dati, napakalayo na sa ilong niya nu’n ang ilong niya ngayon,” unang hirit ng aming impormante.

Isang source na super-alam ang pinagdaanan ng female personality ang nagkuwento. Detalyado ang kanyang istorya. Hindi pagdududahan ang kanyang mga impormasyon.

Sabi ng source, “Ano ba naman ang masama kung aminin niynag nagpa-nose enhancement siya, e, puhunan naman nilang mga artista ang kagandahan? Saka pera niya naman ang ginastos niya sa pagpapagawa ng ilong niya, kaya ano ba ang pakialam ng iba sa desisyon niya?

“Kaso, nagkakaila pa kasi siya, e. Noseliner lng daw ang dahilan kaya parang tumatangos ang ilong niya. Marami siyang dahilan, pero ang dami-daming nakakaalam ng dating itsura niya, puwede ba?” unang komento ng aming source.

At hindi lang ang female personality ang nagparetoke, may dalawa pa siyang kasamang kapa­milya niya, binigyan nga nila ng problema ang doktor na gumawa sa kanila.

Patuloy ng aming source, “Maninipis kasi ang ilong nila. Kailangang iangat dahil wala silang magandang bridge, pero nahirapan ang doktor sa kanila.

“Kitang-kita naman ang ebidensiya. Sumobra ang liit ng butas ng ilong niya! Parang kahit ang hinliliit niya, e, hindi puwedeng pumasok sa sobrang sikip! So, kung maglilinis siya ng ilong, e, cutips na lang talaga ang puwedeng ipasok du’n!

“Kaya tama na ang pagdedenay, nakikita namang hindi totoo ang mga sinasabi niya, puwede ba? Tantanan na ang paggamit sa nananahimik na noseliner, please!” tawa pa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Derek, kilalang fake daddy ni Elias

Ayaw talagang tantanan ng mga bashers ang relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Bawat kilos nila ay kinikilatis ng mga bashers, pinakakain sila ng mapait na ampalaya, hindi sila binibigyan ng katahimikan.

May limitasyon ang pagpapasensiya at pagtitiis, kaya kapag sumosobra na ang komento ng mga bashers na nagbabantay sa kanilang mga posts, sumasagot na rin si Derek.

At sumasagot din si Ellen, walang pakialam ang sexy actress sa mga bashers, kung ano ang masasakit na salitang ibinabato laban sa kanila ni Derek, ganu’n din ang ibinabalik ng babae.

Fake daddy ang ibinigay na bagong posisyon ng mga bashers kay Derek. Pekeng tatay para kay Elias Modesto na anak ng kanyang girlfriend kay John Lloyd Cruz.

Sa halip na pahalagahan ang pagmamahal at malasakit ng aktor sa anak ng kanyang karelasyon ay minasama pa ng mga bashers ang mga ipinakikita ni Derek.

Ano ba ang hiling ng bawat babaeng may anak na pero gusto pa ring pumasok sa isang relasyon? Walang iba kundi ang sana’y mahalin at tanggapin din ng lalaki hindi lang siya kundi pati ang kanyang anak sa iba.

At ‘yun ang ginagawa ngayon ni Derek kay Elias, hindi lang natin alam kung ano ang pribado nilang pag-uusap ni Ellen, pero siguradong kasama sa relasyon nila ang pagmamahal na dapat ibigay ni Derek sa anak nila ni John Lloyd.

At hindi nakikipagkumpe­tensiya si Derek kay JLC. Alam niya kung ano ang kanyang posisyon kay Elias. At ang kanyang anak na isinusumbat sa kanya na si Austin ay mahal na mahal ni Derek.

At mahal din ni Ellen ang binatilyo. Alagang-alaga ni Derek si Austin, pinag-aaral sa magagandang eskuwelahan, hinding-hindi niya ito pababayaan.

Maging masaya na lang sana tayo sa magandang pagtratong ibinibigay ni Derek kay Elias. Sa sasandaling panahon ay napalapit na rin sa kanya ang kalooban ng bata, ibig sabihi’y ramdam ni Elias ang sinserong pagmamahal ng aktor, dahil mahirap lokohin ang bata pagdating sa emosyon.

Walang fake daddy. Basta nararamdaman ng kahit sinong bata ang tunay na pagmamahal sa kanya ay tunay ‘yun. Hindi paimbabaw.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with