^

PSN Showbiz

Pagkalaos ng mga artista, given na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko makuha ang logic kung bakit kailangang sabihin ni Toni Gonzaga na hindi siya takot malaos. Lahat naman ng stars dumara­ting sa puntong iyan ng career nila, hindi naman talaga dapat katakutan, dahil wala namang star na forever nasa itaas.

Kaya nga dapat lang na ingatan talaga ang kanilang career, mag-ipon at ayusin ang buhay para pagdating ng araw na hindi ka na kasing-sikat ng dati, maayos pa rin ang magiging buhay mo.

Maganda ang ginawa ng Mommy Pinty nina Toni at Alex na talagang inalagaan ang kanilang naging income kaya naman kahit pa dumating ang araw na hindi na sila ganun kasikat, hindi na sila maghihirap.

Mabuti rin ang naging choice nila sa kanilang naging partner, kaya sure na stable sila kahit mawala pa ang showbiz career nila.

Kaya hindi na dapat sinasabi pa ni Toni ‘yung hindi siya takot malaos.

Given na, kahit malaos siya maganda pa rin ang magiging buhay niya.

Villar Group, loyal at competent ang mga empleyado

Bongga si Sen. Manny Villar ha. Number 1 richest man pa rin sa Pilipinas. Kaya nga ang sarap ng buhay ni Avec Amarillo na ang big boss niya ang pinakamayaman sa bansa natin.

Isang bagay lang na nakita ko sa mga Villar, ‘yung loyalty at competence ng halos lahat ng employees nila.

Maliban kay Avec, nandiyan si Anna Mae, Nini at ngayon si Candy ni Sen. Cynthia Villar. Siguro nga, isang bagay na importante ‘pag rich ka, dapat competent din ang mga tao mo na frontliners mo sa pakikitungo sa mga tao na kausap mo.

Saka malalaman mo rin ‘pag mabait ang boss ‘pag nakita mong happy ang mga staff niya. Laging happy si Avec, kaya sure akong mabait si Sen. Manny Villar. Sa tagal niya sa mga Villar, imposibleng hindi siya satisfied at happy. Basta ako, mayabang dahil at least puwede kong i-name drop na kilala ko ang number one richest sa Pilipinas.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with