^

PSN Showbiz

Rabiya pinagpupustahan, KellEy Day may ibubunyag sa karanasan sa Miss Eco!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rabiya pinagpupustahan, KellEy Day may ibubunyag sa karanasan sa Miss Eco!
Rabiya

Isa sa pinakamaagang dumating sa Amerika para sa 69th Miss Universe 2020 ay ang kandidata nating si Rabiya Mateo.

Sa May 16 doon sa USA gaganapin ang pageant at kaya nasa Los Angeles daw muna sila para makapag­handa pa si Rabiya at makapag-adjust pa siya roon dahil sa Florida ang mismong pageant.

First international flight iyon ni Rabiya at sa Amerika na kaagad ang mahabang biyahe at iba na ang time zone. Kaya nga meron siyang video na nagising siya ng alas-kuwatro ng umaga at hirap na raw siyang makabalik sa pagtulog. Kaya kailangan pa raw niyang makapag-adjust at ma-handle nang maayos ang jet lag.

Todo ang suporta kay Rabiya ng ating mga kababayan na mula nang umalis ng bansa hanggang sa pagdating niya ng Amerika ay nasusubaybayan na.

Pero meron pa ring hindi naniniwalang makukuha ng Ilonggang beauty queen ang korona.

Nakikipagpustahan pa nga ang iba na mataas na raw ang top 10 para sa kanya.

Pero ipinangako ni Rabiya na gagawin niya ang lahat para makuha ang korona.

At least lalaban siya nang husto at kahit hindi siya katangkaran kumpara sa ibang kandidata, kaya niyang makipagkabugan sa question and answer, o malay natin baka sa kanya naka-align ang mga bituin at makukuha niya ang korona.

‘Yan ang naobserbahan ng karamihan noong lumaban si Pia Wurtzbach na kanya ang gabing iyon, at maitutu­ring na isa sa pinakakontrobersyal na pagkapanalo ng Miss Universe.

Ayun kay Jonas Gaffud na kasama ngayon doon ni Rabiya, bandang end of April ay lilipad na raw sila pa-Florida para sa pagsisimula ng activities ng Miss Universe 2020.

Samantala, na-check namin si Kelley Day na nasa Egypt pa, medyo okay na raw ang kalagayan niya roon dahil marami rin daw mga Pinoy doon na tumulong sa kanya.

Hinihintay na lang daw niya ang resulta ng huling RT PCR test niya, para ma-clear lang kung negative na siya sa COVID-19.

Hintayin na lang natin ang pagbabalik ni Kelley dahil dun na lang daw niya ilalahad lahat ang karanasan niya sa pagsali sa Miss Eco International 2020.

Heart nakapili ng isa pang leading man

Muling ibinalik ang Truly, Madly, Deadly na episode nina Jennylyn Mercadoat Dennis Trillo sa I Can See You na nagsimula na kagabi.

Nag-trending din ito sa Netflix pero, interesting ang kuwento kaya baka nga marami pa ang interesadong panoorin ito.

Noong last week lang natapos ang #Future episode nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara, at ang buong akala nga namin ay isusunod na ang The Lookout episode nina Barbie Forteza at Paul Salas.

Sa April 19 pa pala ito naka-schedule.

Samantala, pinaghahandaan na rin ang gagawing drama series ni Heart Evangelista na I Left My Heart in Sorsogon. Hindi lang pala si Richard Yap ang makaka-partner niya rito kundi may isa pang aktor na makakasama ni Heart.

Dumaan sila sa virtual look test at bumagay daw sa aktor na ito sa role at swak sila ni Heart.

Kung hindi kami nagkakamali, magaling din sa comedy ang naturang aktor. Pero abangan na lang ang announcement ng GMA 7. “I’m very excited kung sino ‘yung isa pang leading man kasi parehong mabigat ‘yung character. They have to be equally amazing and talented and mahirap pumili,” pakli ni Heart.

 

 

 

 

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with