^

PSN Showbiz

Baby bashers ­dumarami, anak ni ­Carlo nabiktima na rin!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Baby bashers ­dumarami, anak ni ­Carlo nabiktima na rin!
Carlo at anak

Nauna nang galit na galit sina Janella Salvador at Markus Paterson sa “baby basher” na namintas nang namintas sa kanilang limang buwang gulang na anak na si Jude.

Hindi mo maintindihan kung ano talaga ang motibo ng baby bashers na iyan.

Ngayon naman ang galit na galit din ay si Carlo Aquino at Trina Candaza dahil binanatan din ng baby bashers ang kanilang anak.

Bakit ba nauuso ang “baby bashing”? At bakit iyong anak ng mga artista ang gusto nilang bina-bash. May mga nagsasabing ang gumagawa ng ganyan ay mga taong may psychological imbalance, at dumarami ngayon ang ganyan dahil nabuburyong na nga sila sa mahigit isang taon nang lockdown. Marami ang hindi nakakalabas ng bahay lalo na nga sa mga kabataan, at iyan ay nagkakaroon ng epekto sa kanila psychologically. Iyang mga batang iyan dahil sa kawalan din ng magagawa, kalikot nang kalikot sa cellphones at nagbababad sa social media. Kung wala na rin silang makausap sa social media at sila ay nababagot na, diyan na sila gumagawa ng kalokohan.

Kabilang na riyan ang nanloloko sa online sellers, at ngayon iyan ngang ginagawa nilang bashing sa mga anak ng artista.

Buryong na kasi iyang mga iyan. Ang dapat sa mga iyan ay maibaling sana ang panahon sa mas kapaki-pakinabang na mga gawain, pero paano nga eh marami naman ang wala na ring trabaho sa ngayon.

Mabuti si Carlo at hindi masyadong mainit ang ulo. Iyong iba talaga ay galit. Para sa isang magulang, iyong laitin mo ang kanyang anak na wala namang ginagawang masama sa iyo, at ni wala pang malay, aba eh siguro nga kung kami ang magulang noon pagmumumurahin rin namin iyang baby bashers na iyan.

Aywan kung ano nga ba ang magagawa ng gobyerno o ng mga dapat mangalaga sa mga bagay na iyan, particularly ang National Telecommunications Commission, para mahuli o mapatigil ang baby bashers na iyan. Pero as it is, iyong porno nga at iba pang abuso wala rin silang magawa kahit na may batas laban sa mga iyon, sino pa nga ba ang aasahan natin?

Gabby at KC, bumabawi

Mas lalong obvious ngayon kung gaano ka-close sina KC at Gabby Concepcion. Sumama nga kasi si KC sa bakasyon nila Gabby ng kanyang pamilya sa resort ng aktor sa Lobo, Batangas. Eh big­lang nag-ECQ, nakulong sila doon ng lockdown kaya iyong ilang araw na bakasyon mas humaba, at doon na nga inabot ng kanyang birthday si KC.

Sa isa niyang post, nagkuwento si KC tungkol sa mga mahahaba nilang usapan ng kanyang ama kung gabi hanggang sa makatulog na lang sila. Pati na ang kanilang mga date sa dagat at nature exploration. Sinabi nga niyang mara­ming panahon ang nawala sa kanilang dalawa, pero ikinatutuwa niya na ngayon ay may pagkakataon naman silang bawiin kung ano man ang na-miss nila sa kanilang buhay noon.
Sinabi pa ni KC na “truly grateful to the universe for keeping our love alive.” Iba nga ang pagmamahalan ng mag-ama.

Male star at klo­setang matinee idol, suportado ng nanay na laging naka-ride

Hindi naman daw tinututulan ng nanay ng male star ang affair noon sa isang matinee idol in the closet.

Katunayan para maiwasan nga ang mga tsismis at huwag na silang makita sa kung saan-saan, madalas na ang klosetang matinee idol na lang ang dumadalaw sa condo ng mag-nanay, at parang wala lang daw naman sa nanay kung maghapon mang magkulong sa kuwarto ang kanyang anak at ang klosetang matinee idol.

Nakikinabang din naman daw kasi ang nanay dahil lagi naman siyang kasama sa escapades ng kanyang anak at ng klosetang matinee idol kahit na sa abroad.

Walang nababalitang “datungan” sa kasong ito, pero siyempre ang taya sa gastos sa mga escapades nila ay ang klosetang matinee idol dahil mas sikat siya at mas maraming trabaho kaysa sa male star, lalo na ngayon.

Si male star naman, mukhang happy at enjoy sa relasyon nila ng klosetang matinee idol. May nagsasabi ngang “kasi pareho lang naman sila.”

 

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with