^
Heaven nag-positive, umaming naapektuhan ng bashing
Heaven
STAR/ File

Heaven nag-positive, umaming naapektuhan ng bashing

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2021 - 12:00am

Malakas ang virus na tumama sa Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo matapos itong mag-positive sa COVID. Kinailangan niyang magpa-hospital nang mag-positive sa lock-in taping ng Bagong Umaga ayon sa kanyang vlog. Pero magaling na siya ngayon.

“This video is to provide awareness that Covid is real and it should be taken seriously. I am now a Covid19 Survivor. ­Sen­ding my love & prayers to everybody going through these difficult times,” caption nito sa kanyang vlog.

Bumaba ang oxygen level niya habang nasa bahay at naka-quarantine hanggang nanghihina na siya at hirap nang huminga. “So, after consulting with my doctors and talking to my family, we have decided to go to the hospital. Thankfully, we found a hospital and ABS-CBN provided us with an ambulance,” kuwento niya.

Aminado siyang nakaapekto sa kanya nang grabe ang pagkakadawit ng pangalan sa issue kina Kiko Estrada and Devon Seron kung saan siya pinagbintangang third party. “To be honest, last night parang nasaan na ‘yung will to live? Coz you know sa totoo lang, I’ve been through a lot of bashings and I don’t know, may effect pala siya. And ngayon lang siya nagsi-sink-in sa akin lahat since I’m all alone. I’m just saying na you know, words, even if it’s not true, it still affects, naapektuhan pa rin ako to be honest. And ngayon ko lang io-open up ‘tong issue na ‘to,” pag-amin niya

Dagdag pa niya : “Sa lahat ng nangyari sa akin within these past few weeks and days, issues, problems, and you know, everything, COVID, work, life basically. Natutunan ko is how you rise up, I think that’s one lesson I got from everything that’s happening right now.”

Ex ng anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel si Heaven.

Samantala, maging si Angeline Quinto ay negative na rin sa virus. Sa kanyang post two days ago nagpasalamat siyang negatibo siyang tao : “First time kong ipagpapasalamat na Negative akong tao. My last 7 days of battling the Covid 19 virus and with the grace of GOD and all your prayers, I am healed! Thank you very much po sa pagsama sa akin and hopefully I can inspire eve­ryone that with the right frame of mind and faith in the LORD, we can survive this disease.”

Sa bahay lang nagpagaling si Angeline.

Diego at AJ, inaabangan ang chemistry

‘Pag in-love ka, pakiramdam mo ang imposible ay posible. Dinadala tayo ng pag-ibig sa mga lugar na ‘di natin akalain, kaya sinasabi nilang ‘love is a ride.’ At kakaiba at misteryosong love trip ang handog ni Yam Laranas sa kanyang Vivamax Original movie na Death of a Girlfriend.

Tampok ang dalawa sa hottest stars ngayon, na sina Diego Loyzaga at AJ Raval, ang digital movie ay isang mystery love story na hahanapin ang katotohanan base sa kuwento ng tatlong taong nasasangkot sa isang brutal na krimen.

Nang hindi nakita ni Alonzo (Diego Loyzaga) ang kanyang girlfriend na si Christine (AJ Raval) papasok sa kanyang eskuwela, nag-alala ito at naramdaman na may maling nangyari. May makikita siyang dalawang kahina-hinalang lalake na lalabas galing sa kakahuyan na madalas ding daanan ni Christine.

Ang dalawang kahina-hinalang tao – isang forest ranger at isang drug dealer farmer, ay magiging prime suspects sa rape at murder ni Christine. Ilalahad nila ang kanilang mga kuwento hanggang sa araw na madiskub­re ang katawan ni Christine sa kakahuyan.

Iimbestigahan din ng mga pulis si Alonzo tungkol sa kanilang relasyon ni Christine. Ilalahad ni Alonzo ang kanilang love story, at kung paano madalas nagiging sagabal ang dalawang suspek sa kanila.

Isa sa kanila ang nagsisinungaling, isa ay tinatago ang katotohanan, at isa naman ay gumagawa lang ng istorya.

At isang tao lang ang tanging makakapagsabi ng totoo tungkol sa nangyari noong araw na ‘yun sa kakahuyan, at iyon ay walang iba kundi si Christine.

Sa pamamagitan ng forensic investigations, ilalahad ni Christine ang totoong nangyari sa kanyang pagkamatay.

Ang Death of a Girlfriend ay ang latest na pelikula ni Yam Laranas, ang direktor ng mga award-winning na thrillers at horror films gaya ng Sigaw at Aurora.

Ito ang unang pagsasama sa isang pelikula nina Diego at AJ. Kaya naman bukod sa nakaka-intri­gang kuwento, ay kaabang-abang din ang on-screen chemistry ng dalawa.

Mapapanood ito umpisa sa Abril 30, sa worldwide premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV sa halagang P250 at sa Vivamax.

HEAVEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with