^
Dahil sa lockdown, celebrity dads naging hands on sa mga anak
Vic at Tali
STAR/ File

Dahil sa lockdown, celebrity dads naging hands on sa mga anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2021 - 12:00am

Ang gandang tingnan ng celebrity dads ngayon. ‘Yung kitang-kita mo ang pag-aalaga nila sa mga anak nila, plus ‘yung talagang nasa tabi sila ng mga ito.

Nakatulong din ang pandemic dahil stay at home sila talaga.

Nakita mo ‘yung hands on na pagtuturo ni Dr. Hayden Kho kay Scarlet? ‘Yung pag-aaral ng swimming ni Talitha kasama si Vic Sotto, ‘yung ginagawang mga laro ni Dingdong Dantes kina Zia at Ziggy, ‘yung kahit seven months pa lang ang anak ni Billy Crawford, talagang excited na siya sa pag-aalaga rito.

Seldom mong makikita ito noon, puwedeng mga mother ang nakikitang inaalagaan nila ang mga anak nila, at usually ’yung mga daddy nasa tabi lang.

Now nagbago na ang lahat, makikita mong nilalaro at inaalagaan talaga nila.

Noon ngang nasa Paris sina Dingdong at Marian Rivera para sa kasal nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, makikita mo na si Dingdong ang nagbibigay ng nursing bottle ni Zia.

Si Dr. Hayden naman talagang very close kay Scarlet dahil siya lang ang nakakapagpatahan dito ‘pag umiiyak.

Sila ang mga celebrity dad na talagang ginagabayan ang paglaki ng mga anak nila. Kaya nga siguro now, mas matatalino at bibo ang mga anak nila, dahil open at hands on ang pagpapalaki nila.

Lucky future celebrities.

Tiyak ko, ‘yang babies na iyan ngayon ang mga superstar of the future. Kitang-kita mo na ang shape ng destiny nila, ngayon pa lang sikat na sila, sure na hanggang paglaki, susundan sila ng spotlight. Wanna bet?

Kris, apektado pa rin sa bashing kina Joshua at Bimby

Sabi raw ni Kris Aquino, medyo iiwasan na niyang mag-post ng mga ginagawa nina Joshua at Bimby. Siguro nga dahil nasaktan siyang masyado sa ginawa ng bashers sa mga anak kaya nag-decide siya na huwag na munang isali sa mga posting ang dalawang anak.

Hindi lang siguro alam ng mga tao ang pride ng mga mother na ipakita ang ginagawa ng mga anak nila. And like an ordinary mother, si Kris ay natutuwang ipakita ang interaction niya sa mga anak. Puwede namang si Kris lang ang pitikin kung may gustong iparating, huwag na lang isali ang mga anak niya. Saka hindi naman kayang lumaban nina Joshua at Bimby, kaya sana iwasang sila ang pinatatamaan ng mga negatibong bashing ng mga tao na wala na talagang magawa dahil sa halip na isipin na pandemic na, dapat positive outlook na tayo, gusto pa ring makasakit ng kapwa.

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with