^
Toni hindi takot malaos
Toni
STAR/ Fil e

Toni hindi takot malaos

SHOWBIZ GANERN! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2021 - 12:00am

Mahigit dalawang dekada na ngayon si Toni Gonzaga sa show business. Mula nang maging aktibo sa industriya ay naranasan na ring magpahinga pansamatala ng aktres noong magkaroon ng asawa at anak.

Ayon kay Toni ay hindi na siya nakararamdam ng takot na malaos dahil normal lamang ito sa isang artista. “When I was younger, laging ‘yon ang panakot sa ‘yo kapag ayaw mo tumanggap ng trabaho or kapag tatanggi ka sa gig. Laging iyan ang panakot sa ‘yo when you’re younger. As you grow old, you choose the people you will listen to. Pinili ko na, mapapagod ka eh,” kuwento ni Toni sa aming panayam.

Para sa aktres ay kailangang tanggapin ng sino mang sikat na artista na talagang darating ang panahon na lilipas din ang ning­ning ng kanya-kanyang bituin. “‘Hay! Naku, malalaos ka.’ Bigla ka na lang magsasalita sa sarili mo. ‘Eh di malalaos talaga.’ Inevitable naman iyan eh. There will be a season where it’s not your season anymore. You have to be comfortable with that. You have to accept that. ‘Yung pagiging laos is a matter of how you look at it,” giit niya.

Hindi rin dapat nagkakaroon ng insecurity ang isang artista para kay Toni. Kailangan lamang umanong pagbutihan ng aktres ang bawat trabahong kanyang ginagawa. “Laging may question na, ‘Am I still good enough to do this? Am I still capable of doing this? Should I still be doing this?’ Laging may questions na gano’n. Kasi the moment that you feel na you know it all, you have it all, that’s the moment you stop learning,” makahulugang pahayag ng aktres.

Bea, natakot nang ma-COVID-19 ang pamilya at mga kaibigan

Isa si Bea Alonzo sa mga nababahalang artista dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng nagpopositibo sa COVID-19.

Ipinatutupad pa rin ang community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa banta ng pandemyang kinakaharap natin. “We are on quarantine again. A year later nandito pa rin tayo. Recently on my Instagram, I have shared that I’ve had friends and loved ones who were infected by COVID. I’m telling you, hindi siya biro. Alam mo ‘yung ‘pag malapit na pala sa ‘yo, ‘yung kapag nae-experience mo na siya, mas lalo siyang nakakatakot,” bungad ni Bea.

Kahit ipinagbabawal pa rin ang paglabas sa mga bahay ay nauunawaan naman umano ng aktres ang ibang mga kababayan na kailangang gawin ito.

Maraming mga manggagawa ang patuloy na lumalabas at nag­hahanapbuhay upang mayroong maipakain sa pamilya. “I also know that it is a privilege to stay home. I know that there are people who cannot do this. They have to be able to put on the table. Para do’n sa mga kaya naman manatili sa bahay, manatili na lang tayo sa bahay to take care of one another,” paglalahad ng dalaga. (Reports from JCC)

TONI GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with