^

Mga movie producer, windang na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2021 - 12:00am

Gusto na ring ituloy ng ibang movie producer ang shooting ng kanilang ginagawang pelikula kahit wala pa ring katiyakan ang pagbubukas ng mga sinehan ngayong MECQ na.

Ang isang pelikulang naudlot ang shooting ay ang Huling Birheng Bakla sa Balat-Lupa na pinagbibidahan ni Teejay Marquez.

Sa Batangas sila nagsu-shoot noong ibinaba ang ECQ sa NCR plus at kasama na rin ang Batangas kaya tumigil muna sila.

Isa sa kabilang sa pelikula ay si Edgar Allan Guzman na tinanggap na naman ang beki role. “May pagkapaminta ako rito eh. Lalaking-lalaki ako dito kasi may asawa’t anak ako. Kaibigan ko si Teejay, tatlo kaming magkaibigan kasama si Mimi, bestfriends kami.

“’Pag magkasama kami, dun lumalabas ang pagiging bading, malandi. Ang freedom nandun, pero ‘pag nandun na ‘yung asawa ko, talagang straight na ka­ming lalaki. Dun nag-start ang pagka-comedy at mga challenge sa amin,” napapangiting kuwento ni EA.

Medyo nabitin nga raw sila sa shooting dahil nga sa pinatigil muna sila.

Kaya ang ginagawa pala ng ilang producers ay naghahanap sila ng location sa ilang probinsya na hindi naka-ECQ para matuloy lang ang shooting. Nahihirapan ang ilan, pero pursigido pa rin ang ilang producers na gumawa ng pelikula para may trabaho pa rin ang iba lalo na ‘yung mga production staff.

Ang isa pa sanang gustong tuluy-tuloy pa rin ang trabaho ay ang Godfather

Productions ni Joed Serrano.

Pinag-iisipan sana nilang mag-shoot sa ibang bansa na maluwag na ang safety protocols.

Katatapos lang nila ng Kontrabida ni Nora Aunor, pero ang gusto sana talaga nila ay sa mga sinehan ito mapapanood dahil ibang-iba raw talaga rito si Nora Aunor. Lalo silang bumilib kay Ate Guy dahil talagang ang dali raw mag-adjust sa set at kaagad nakapag-interna­lize at lalo pang gumaling sa ilang mabibigat na eksena.

Ang isang pa-surprise nila sa pelikulang ito ay ang eksenang sasampalin si Nora ng isang sikat na artista. Mahalaga raw ang eksena at ang gusto nila ay mag-guest ang isang sikat na artistang hindi pa nakatrabaho ni Ate Guy at siya ang sasampal sa original superstar. Nakiusap silang huwag munang isulat kung sino ito, pero sikat at magaling ding aktres.

Ang alam ko isa ito sa pinakapaboritong aktres ng direktor ng pelikula na si direk Adolf Alix.

Kaya ibang achievement din sa kanyang napagsama niya ang dalawa, sina Nora at ang magaling na aktres na ito, sa isang eksena. Medyo bata kay Ate Guy ang naturang aktres, pero magaling din. Kaya lang nang kaharap na raw si Nora, biglang natakot ito.

Nanginig daw ang kamay na parang hindi kayang sampalin ang Superstar. Mismong si Nora pa raw ang nagsasabing totohanin ang pagsampal na masaktan siya talaga.

Mabuti at take one lang daw dahil maga­ling daw talaga si Nora na nadala niya itong sikat na aktres na sumampal sa kanya.

Young actor ‘di kayang mabuhay ng walang tsugi, pinapadala sa GF sa abroad ANG photo ng ‘dickfie’

Nakakaloka raw itong cute at magaling ding young actor na ubod daw ng tulis na laging gustong may katsugihan.

Sinasabi raw niya talaga sa mga katrabaho niya at kahit sa co-actors na “I can’t live without sex!”

Palibhasa, bata pa naman at napakaguwapo kaya malamang hindi siya nawawalan ng babaeng katsugihan. Wala kasi rito ang non-showbiz girlfriend, kaya kapag nasi-zero minsan sa video chat na lang nila ginagawa ng girlfriend niya. Hindi naman daw niya ‘yan tinatago.

Minsan sa isang taping, kaharap niya ang mga production staff na close rin sa kanya at ilang co-stars.

Hinihingan siya ng old photos niya na gagamitin sa isang eksena.

Naghanap siya sa kanyang phone. Nagba-browse ito, at sa kaka-browse niya, biglang lumitaw ang isang napakalaking sandatang mamula-mula. Ang ‘dickfie’ ni young actor.

Napatili ang ilang staff na nakatingin sa mga litratong bina-browse.

Kitang-kita nila at kahit itong si young actor ay paulit-ulit daw na napa-“Oh my God!”

Inamin naman niyang kanya ang ‘dickfie’ na iyon dahil pinapadala pala niya sa kanyang girlfriend na naka-base sa ibang bansa.

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with