^
Bela at Swiss bf, may routine na kahit LDR!
Bela at Swiss bf

Bela at Swiss bf, may routine na kahit LDR!

TAKE IT TAKE IT! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

Unang ipinakilala ni Bela Padilla sa publiko ang kasintahang si Norman Ben Bay noong isang taon sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Nagkakilala sina Bela at ang Swiss boyfriend apat na taon na ang nakalilipas. “Nagkakilala kami no’ng nagsu-shoot kami ni direk Irene (Villamor) ng Meet Me in St. Gallen sa Switzerland, taga-do’n siya. Friends na kami for four years tapos one year pa lang kami ngayon. Initially hindi namin tinry siguro kasi nga ang layo tapos ang gastos kung magkikita kami palagi. Mas possible kasi na ako ‘yung lumilipad papunta do’n, so nakakapagod isipin. No’ng una hindi binigyan ng chance. Pero since nagka-pandemic parang ngayon it evened out everyone’s situations. So parang napag-isipan na pwede i-try this year. Kasi never naman kami nawalan ng communication throughout the four years,” pagtatapat ni Bela.

Kahit magkalayo ay hindi naman umano nahihirapan ang aktres sa kanilang sitwasyon ng nobyo. “LDR (long distance relationship) ako ngayon, medyo matagal na rin. Okay naman, naka-Facetime lang kami na ako sumasagot ng crossword. Tapos siya nagtatrabaho kasi work from home siya ngayon. Para din kayong hindi LDR kasi parang you do things together. Gano’n lang ‘yung routine namin. Pero very boring couple kasi kami so masaya na kami sa gano’n. Hindi naghahanap ng excitement. Kaya siguro nagwo-work ‘yung LDR namin,” pagbabahagi ng dalaga.

Para kay Bela ay talagang magkasundung-magkasundo sila ng kasintahan sa maraming bagay kahit na magkaiba ang lahi nila. “Kasi ‘yung ugali ko hindi siya sobrang Filipino. Parang mas Western ako mag-isip so bagay sa akin ‘yon. ‘Yon ang nagwo-work for me. Kasi ‘yung first boyfriend ko was super through and through Filipino. ‘Yung bago ka lumabas ng bahay magpapadala ka ng picture gaano kaiksi ‘yung suot mo. Too much for me ‘yon, hindi ko kaya ‘yon. Nasa Pilipinas tayo, sobrang init guys. ‘Kumain ka na ba?’ maya’t maya. Hindi kailangang nagtatanong maya’t maya. Kaya nagwo-work siguro sa akin ‘yung relationship ko ngayon kasi ang usapan namin ngayon ang weird eh. Mas serious pero mas low key, minsan tanga lang ‘yung pinag-uusapan namin pero nagwo-work,” paglalahad ng aktres.

Diego, gustong magkapamilya kay Barbie

Ilang buwang pa lamang na magkarelelasyon sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga. Ayon sa aktor ay nararamdaman niyang ang dalaga na ang makakatuluyan at makakasama sa habangbuhay. “Sa nakikita ko talagang Barbie is the one. Barbie is mature in a lot of ways. In a sense that when it comes to this relationship, sayang naman if you don’t think about those things yet,” nakangiting pahayag ni Diego.

Nakikita na rin ng aktor ang kinabukasan nila ni Barbie at mayroon ng sariling pamilya. “You try to bring out the best in a person and bring that person to where she wants to be in five years or ten years. Five of ten years from now, aside from being successful at work or having a big house, having a car, whatever your goals are. Kasama na rin doon na iniisip mo na meron na kayong mga anak. Meron ka nang kasama matulog gabi-gabi. It’s a good thing,” giit ng binata.

Samantala, aminado si Diego na nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan ni Barbie paminsan-minsan. “Not everyday is a good day just like any relationship. But we understand each other even more on bad days. It’s not a secret but it’s easier said and done,” makahulugang pahayag ng aktor. (Reports from JCC)

BELLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with