^
Gerald walang maisagot sa mga ­binunyag ni Bea, Julia mas nababaon!
Gerald
STAR/ File

Gerald walang maisagot sa mga ­binunyag ni Bea, Julia mas nababaon!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

“Much better to heal than seek revenge from injury,” isang quote na inilabas ni Gerald Anderson sa kanyang social media account.

Sabi nila mukhang iyon na lang daw ang naging sagot niya sa “ghosting” at “gaslighting” accusation laban sa kanya ni Bea Alonzo.

Pero kung iisipin mo, wala rin namang ibang dapat sisihin kundi siya rin. Masyado nang naging toxic ang kanilang relasyon, bakit hindi niya kinausap si Bea, nakipag-break siya nang pormal at saka niya sinabing may syota na siyang iba.

Mali iyong basta na lang siya umiwas tapos nalaman na lang na syota na pala niya si Julia Barretto, na pilit pa nilang itinago ng isang taon.

Mali rin ang palagay ng kanilang damage controller na makalipas ang isang taon ay hindi na magiging issue kung aminin na nila ni Julia ang relasyon nila. Lalo silang nabaon sa ilog eh.

Regine pinababayaan na ang pakiramdam, maraming artista dismayado na rin!

“Pinabayaan na ba tayo? Matira na lang ang matibay?” ang punung-puno ng pagkadismayang sabi ni Regine Velasquez sa isa niyang social media post. Hindi na raw niya maisip kung ano pa ang mangyayaring kasunod dahil parang “maliit na bagay” pa rin iyong may labinlimang libong nahahawa sa loob lamang ng isang araw, at nakapag-rehistro na rin ng may 400 taong namatay sa isang araw lang.

Hindi lang si Regine ang nagsasabi ng ganyan. May isa pang senior citizen na nagsabing mas nakakatakot pa raw ngayon kaysa noong panahon ng world war II.

Dahil din sa pagka-dismaya, nai-report na ring tumataas ang kaso ng depression at suicide.

Hindi naman siguro masasabing pinabayaan, aywan lang kung may pagkakamali nga ba at mukhang hindi napaghandaan ng gobyerno ang kinatatakutang second wave. Totoo namang maraming mga bansang tinamaan na rin ng second wave at mas marami pa nga ang namamatay pero nakapaghanda sila. Maaga silang nakakuha ng bakuna. Kumagat sila kahit na sa mataas na presyo, samantalang tayo ay umasa sa mga pangakong donasyon ng China.

Actually iyan ang pinagmumulan ng pagkadismaya ng mga taong kagaya ni Regine.

Siguro apektado na rin si Regine dahil maliwanag namang wala halos silang kinikitang mag-asawa nang mahigit na isang taon na dahil sa lockdown, at sila naman iyong walang maaasahang ayuda galing sa SAP. Minsan kasi hindi mo man kailangan, masarap lang sa pakiramdam iyong may natanggap ka. Kami nga kailangan din namin pero wala kaming natatanggap dahil hindi kami kilala noong nasa barangay.

Maraming depekto talaga sa paraan ng paglaban natin sa COVID at sa sistema ng pamamalakad ng social amelioration, pero ano ang magagawa natin? Maski ang presidente ay nagsasabing marami pa ang corrupt at mukha namang hindi na natatakot sa sinasabi niyang hindi niya palalampasin ang corruption. Eh nakakalampas eh.

Hindi lang naman si Regine ang nagsabi nang ganyan.

Maraming mga artista ang naging kritiko ng pamamalakad at karapatan naman nila iyon bilang mamamayan at tax payers.

Sana nga mailagay sa ayos ang lahat, at magdasal na lang tayo dahil wala na tayong maaaring asahan kundi ang Diyos.

Lalaking personalidad, naglabas ng samurai sa video

Madaling araw na nang may mag-text sa amin na may ipinadala raw siyang dalawang video. Doon sa naunang video, nakita namin ang isang personality na may inilabas na isang samurai. Tapos binuksan niya ang isang bag, naglabas ng baril, at kinargahan iyon ng bala. Maya-maya dumating na ang ikalawang video. Galit na galit ang personality sa isang grupo ng mga fans na kumakalaban daw sa kanya, at nagsasabing wala siyang power. Nagbanta siyang babalikan ang fans na iyon para malaman daw kung sino siya.

Tila ang controversy ay may kinalaman sa syota niya. Pero nakaka-alarma ang ganyang ipinakikita sa social media na naglalabas ng mga deadly weapon at nagbabanta sa kanyang mga kritiko. At ano ang ibig niyang sabihing “babalikan”? Papatayin ba niya ang mga iyon?

Aba dapat matauhan naman ang mga pinagbabantaan, ipa-blotter na nila sa pulisya iyan. Magbigay na sila ng statement para kung may mangyari nga sa kanila, alam na kung sino ang dadamputin.

Mahirap na eh, kasi sa tono ng pananalita balibat na ang ulo eh.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with