^

PSN Showbiz

Bea, ingat na ingat sa pagpasok sa bagong relasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bea, ingat na ingat sa pagpasok sa bagong relasyon
Bea

Unang napabalita noong isang taon na mayroon nang espesyal na namamagitan kina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Maraming espekulasyon mula sa netizens na posibleng magkasintahan na diumano ang dalawa dahil sa mga larawang nakikita sa social media.

Ngayon ay nagbigay na ng kumpirmasyon si Bea kung ano ang tunay na estado ng kanyang puso. “No, wala pa kami. Ang hirap kasing sabihin. Parang in a way, as much as I don’t want to be a prisoner of my past, meron din akong parang nahihiya ako sa mga tao na, I’m 33 (years old), I am dating.

“To be honest akala ko at 33 I would be married but siguro kapag siguradong-sigurado na ako about the person, doon na ako magse-share. Kasi parang nahihiya din ako to let everyone know that I’m with somebody again. Iba-iba rin tayo ng timeline, and maybe I will also get there, but maybe not soon,” dagdag pa ng aktres.

Matatandaang kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Bea at Gerald Anderson bilang magkasintahan noong 2019. Para sa dalaga ay kinakailangang paghandaan niyang mabuti ang sarili kapag papasok nang muli sa isang bagong relasyon. “I am very careful when it comes to falling so deep again and trusting anybody, but I would like to say that I am open to being happy whether it’s romantically or in that aspect, romance or work. I am very open as you can see. I am opening so many doors so I am open to a lot of possibilities. Happy ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. I’m also a bit terrified because of all these decisions, everything is new talaga,” makahulugang paliwanag ng dalaga.

Alex gabi-gabi may swab sa mister!

November 2020 nang nagpakasal sina Alex Gonzaga at Mikee Morada sa tahanan ng aktres sa Taytay, Rizal.

Ngayon ay talagang ine-enjoy umano ni Alex ang buhay may-asawa. “Sobrang sarap makasal, sa totoo lang. Kasi every night, there’s swab test. Ibang swab ‘yung ginagawa namin. Pero talagang positive, negative, talagang positive pa rin,” pabirong pahayag ni Alex.

Hindi raw nagmamadaling bumuo ng pamilya ang mag-asawa sa ngayon. “Wala pa kaming plano ni Mikee kasi ine-enjoy pa lang namin ‘yung isa’t isa. Kung kailan ibigay ni Lord. Kasi wala naman kaming contraceptive. Minsan tinatamad ako,” pagtatapat ng aktres.

Para kay Alex ay mas mahalaga ang mga sandali na kasama ang kabiyak lalo na sa panahon ngayon na may kinakaharap tayong pandemya. “Actually, not about the physical pero gusto ko na talagang makasama si Mikee. Kasi aalis siya tapos hindi mo na alam kung kelan next na magkikita. Kasi taga-Lipa pa siya tapos ‘pag papasok na ako sa kuwarto ko, ang lungkot ko na,” pagbabahagi ni Alex. Reports from JCC

 

 

 

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with