^
Pinupuring concert ni Dua Lipa, mapapanood nang libre sa IWantTFC

Pinupuring concert ni Dua Lipa, mapapanood nang libre sa IWantTFC

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

Matutunghayan na ng Pinoy fans ang Studio 2054 virtual concert ng Grammy award-winning artist na si Dua Lipa dahil mapapanood na ito nang libre sa iWantTFC at MYX simula Abril 14 ng 8 PM at sa Kapamilya Channel at A2Z sa Abril 18.

Sa pamamagitan lang ng pag-download ng app at pag-register online, pwede nang balik-balikan ng iWantTFC users sa Pilipinas ang virtual concert kung saan tampok ang mga kanta mula sa Future Nostalgia album ni Dua, na nagwagi bilang Best Pop Vocal Album sa 63rd Annual Grammy Awards.

Bukod sa concert na tampok ang special guests na sina Elton John, Kylie Minogue, Miley Cyrus, FKA Twigs, J Balvin, Bad Bunny, Tainy, Angèle, at Madonna, mapapanood din ng mga Pinoy ang paghahanda ni Dua sa kanyang concert sa The Story Behind The Show documentary simula sa Abril 21 ng 8 PM sa iWantTFC.

Pwede ring subaybayan ng fans ang digital concert sa MYX music channel sa Abril 14 ng 8 PM na may replay sa Abril 18 ng 10 PM at Abril 20 ng 3 PM.

Kabilang sa mga kinanta ng British pop sensation ang Levitating, Don’t Start Now, One Kiss, at “ New Rules.

Una nang pinuri ang Studio 2054 nang inilabas ito noong Nobyembre 2020. Ayon sa Harper’s Bazaar, isa itong “star-studded disco-inspired extravaganza,” habang tinawag naman itong  “celebration of up-close disco joy” ng The Guardian.

IWANTTFC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with