^
Vic at Pauleen, ine-enjoy nang husto si Tali
Pauleen, Tali at Vic
STAR/ File

Vic at Pauleen, ine-enjoy nang husto si Tali

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

Cute rin ‘yung bonding ng pamilya Sotto.

Ang suwerte ni Talitha na dahil sa lockdown at quarantine, talagang more than a year na silang magkakasama nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna sa bahay.

Talagang pati sa paglalaro ni Talitha nandun si bossing Vic, nakiki-playtime sa kanya. Si Pauleen naman, mother na mother ang dating sa pag-aa­laga kay Talitha. Walang sawa sa pagtuturo rito ng mga bagay-bagay kaya naman lumalaki si Talitha na matalino at bibong-bibo.

Sure ako mami-miss nila ang bonding na ganito na buong araw talaga dahil hindi sila lumalabas ng bahay, kapag bumalik na sa normal ang lahat bagama’t parang matatagalan pa.

Suwerte ni Talitha na naranasan ang ganitong close bonding sa parents niya.

At enjoy din si Vic sa kakaibang experience kay Talitha.

At so proud of Pauleen na talagang ginagampanan ang kanyang wife/ mother role to the fullest.

Anne at Erwan, alagang-alaga rin si Dahlia

‘Pag nakikita ko sa Instagram ‘yung photos nina Anne Curtis at Erwan Heussaff kasama ang anak nilang babae na si Dahlia, parang hands on talaga ang pag-aalaga nila rito. Kita mo na talagang very attentive si Anne sa kanyang anak, at very loving ang touch ni Erwan.

Ang gandang tingnan na sa estado nila ay hands on ang pag-aalagang ginagawa nila. ‘Yung talagang nakikita mo na bilang parents, ‘yung responsibility nila ang priority para sa anak nila.

Obvious ding happy family sina Erwan at Anne, lalo pa nga at naging very tight ang bonding nila nang manganak si Anne sa Australia.

Sure ako na mas lalo nilang minahal ang isa’t isa habang sabay nilang inaalagaan ang bagong panganak na baby.

Ang ganda at talagang good vibes sa panahon ngayon na makita ang happy family moments nila.

SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with