^

Aktor ayaw papigil sa pagraket kahit iniyakan ng mga anak

Jun Nardo (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

Iniiyakan na ng mga anak ang isang aktor upang tumigil na sa pagtatrabaho.

Natatakot din kasi ang mga anak na mahawa sa COVID-19 ang kanilang ama lalo na kapag out of town ang location ng taping o shooting.

Eh kayang-kaya namang buhayin ng mga anak ang aktor dahil may maayos naman silang mga trabaho. Subalit umayaw ang aktor.

Malakas naman daw siya at ayaw niyang umasa sa mga anak.

K-celebs, nangingibabaw sa buong mundo

Kapansin-pansin ang pagre-report ng entertainment news sa mga news program tungkol sa Korean celebrity na nangingibabaw ngayon sa buong mundo.

Lamang na lamang ang Korean celebs sa parteng ito ng showbiz lalo na pagdating sa musika kumpara sa US o British celebs.

Malaking factor din ang pagkahumaling ng ibang nasyon lalo na ng Pilipinas sa kasalukuyang pandemic na dala ng virus.

Wala rin masyadong ibang foreigners na masipag gumawa ng movies o kanta at music video na papatok sa mga Pinoy.

Malungkot ang nangyayari pero wala tayong magagawa kung panahon ngayon ng Korean celebs na madomina ang musika at TV series.

Eh ‘yan na ngayon ang kinahuhumalingan ng halos lahat para malibang kesa maburyong sa bahay dahil sa umiiral na lockdown sa bansa!

ACTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with