^
Pinabayaan ng organizer?! Maraming kandidata ng Miss Eco International sa Egypt, Kelley Day, positibo sa COVID-19?!
Kelly Day
STAR/ File

Pinabayaan ng organizer?! Maraming kandidata ng Miss Eco International sa Egypt, Kelley Day, positibo sa COVID-19?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2021 - 12:00am

Mainit na pinag-usapan sa social media ang nangyari sa mga kandidata ng Miss Eco International 2020 pagkatapos ng naturang competition sa Egypt.

Nakarating ang ilang impormas­yong nagkasakit na raw ang halos lahat na mga kandidata roon, pero walang ginawa ang organizer ng naturang kumpetisyon.

Pero naglabas ng statement ang pamunuan ng Miss Eco-International sa kanilang social media account na lahat daw ay inaasikaso nila at nag-coordinate nang maayos sa mga kandidata. “All accusations made publicly against us may have taken out of proportion.

“We are trying our best to coordinate with eve­ryone. Including the ladies who are still in Egypt. And we have fulfilled our duties as we promised. And we’re taking a good care of all our infected queens...”

Concerned ang karamihan dito dahil may mga naglabasan nga na kuwentong naging COVID positive na rin daw ang kandidata natin doon na si Kelley Day. Ito nga raw ang dahilan kung bakit hindi pa makakabalik dito sa atin ang dalaga.

Naglabas naman ang national organizer dito na si Arnold Vegafria ng statement na nakikipag-coordinate naman daw sila sa Miss Eco International organization sa Egypt. “Our official candidate, Ms. Kelley Day, remains our topmost priority, and we remain optimistic as we await the results of the organizers’ routinary medical testing procedures,” bahagi ng statement ng Miss World Philippines ni ALV.

Pero may iba pang naglalabasang kuwento sa nagaganap doon sa Egypt. Hindi raw sila inasikaso roon ng organizer, na pagkatapos ng competition ay inilipat na raw sila sa isang hotel na halatang mumurahin, at marumi pa raw ang tubig.

Ang dami na nga raw nagkahawa-hawa sa candidates at ilang kasama, pero wala raw ginawa ang organizer doon, dahil sila rin mismo ay nagka-COVID na rin.

Totoo kayang, during the competition ay may sakit na raw ang ibang kandidata, pati si Kelley?

Hindi raw sila pina-swab test ng organizer dahil kapag nalamang may mga nag-positive, tiyak na hindi raw itutuloy ang Miss Eco International.

Kaya may ibang activities daw na hindi na su­mali ang ilang kandidata dahil may sakit na nga raw sila at hindi na maganda ang kanilang pakiramdam.

Natatakot lang daw doon ang mga kandidata na magsalita at mag-post sa kanilang social media account dahil nandun pa sila Egypt.

Abangan na lang natin pagbalik ng kani-kanilang bansa, dahil tiyak na doon na sila magsasalita.

Ganundin ang inaasahan natin kay Kelley Day na sana sabihin na niya lahat kung ano talaga ang totoong nangyari sa kanila roon.

Iza, nawindang nang masunog ang katabing building

Naikuwento sa amin ng aming ka-Troika na si Noel Ferrer na sobrang nagulat daw ang alaga niyang si Iza Calzado nang masaksihan niya mismo ang mala-Towering Inferno na nasusunog na high-rise building katabi ng condo na tinutuluyan niya.

Sabi raw ni Iza, naghuhugas daw siya ng mga plato pero nagulat daw siya nang makita niya ang makapal na usok sa katabing building.

Sabi raw ni Iza sa kanya; “Napatili talaga ako. My God, grabe na ang pinagdaanan ng mga tao, may COVID, may lockdown, tigil-trabaho tapos ganito, may sunog pa. Sana walang nasaktan o namatay, dasal pa tayo, kapit lang.”

May ilang kaibigan din kaming nakatira malapit doon at nasaksihan daw nila ang mabilis na paglaki ng apoy, pero wala raw nagagawa ang mga bumbero dahil sa taas ng building.

Mabuti at napagtulungan daw na apulain ito ng mga katabing building at malaki rin ang naitulong ng fire extinguishers na ginamit ng construction workers.

Hindi naman nagtagal ang sunog at naapula naman. Pero gusto na nga raw sanang bumaba nila Iza sa condo na tinutuluyan nila.

Ang laki ng epekto sa atin ng mga ganu’ng sakuna, dahil hindi pa nga tayo nakagulapay sa patuloy na pagtaas ng COVID-19, may mga ganito pang balita. Kaya patuloy lang talaga sa pagdarasal.

EGYPT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with