^

PSN Showbiz

Paulo naka-first time sa EDDYS!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paulo naka-first time sa EDDYS!
Paolo
STAR/ File

Nagbigay si Paulo Avelino ng kanyang acceptance speech sa Facebook account nito, dahil sa pagkapanalo niyang Best Actor sa katatapos lang na 4th Eddys Awards na napanood sa FDCP channel at sa Facebook account na rin ng FDCP at Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd.

Bahagi ng kanyang pahayag; “Thank you sa inyong lahat at ako ang napili n’yo for this year’s best actor.

“It’s your 4th, I think 4th Eddys awards and it’s my first na makakuha ng kahit na anong award sa inyo.

“So, thank you so much and I hope everyone’s safe. I hope your family is safe, your loved ones are safe.”

Hindi kasi nakadalo si Paulo sa virtual awarding ng Eddys, at ang direktor ng Fan Girl na si direk Antoinette Jadaone ang tumanggap nito.

Hindi rin nakadalo si Shaina Magdayao na siyang nagwaging Best Supporting Actress mula sa pelikulang Tagpuan. At as of yesterday wala pa akong nakitang ipinost sa kanyang Instagram account kung natanggap na ba niya ang trophy niya.

Ang huling ipinost nito kamakalawa lang ay ang memorable scene sa isang classic film na Tanging Yaman na kung saan nagdarasal sila ng lola niyang si Gloria Romero sa pelikulang iyon.

Congratulations sa lahat na nagwagi sa 4th Eddys Awards na kung saan binigyan nila ng pagkilala ang mga pelikulang ipinalabas noong taong 2020.

Sayang at nilaktawan nila ang mga pelikula noong 2019.

Noong nakaraang taon kasi, iilan lang talaga ang mga pelikulang ipinalabas dahil sa  pandemya.

Kaya mga pelikula lang ng MMFF last year ang naglaban-laban; ang Fan Girl na nakakuha ng pitong awards, ang Magikland na nakakuha ng tatlong technical awards, ang The Boy Foretold by the Stars na nakadalawang awards, at ang ang Best Supporting Actress sa Tagpuan at Best Supporting Actor na si Edgar Allan Guzman sa Coming Home.

‘Yung pelikulang On Vodka, Beers and Regrets ang tanging hindi MMFF entry na nakakuha ng isang award na Best Musical Score.

Malaki ang naitulong ng FDCP na nabuo ng SPEEd ang Eddys awards at ang kanilang major sponsors na Beautederm at Toktok na malaki ang tiwala sa naturang grupo.

Guest sana sa TBATS na nagpositibo sa COVID, sumabak sa taping

May ilang programa pala sa GMA 7 na kailangan nang bumalik sa taping pero talagang sobrang pag-iingat ang gagawin nila sa napili nilang location. Pero ang ilang programa na tini-tape sa studio ay tigil muna raw sa taping dahil sa marami pang involved na staff at ilang artista ang nagkasakit.

Kaya ang dinig ko pinag-iisipan na muna ng All-Out Sundays na bumalik sa work from home.

Bagama’t meron silang nai-tape na episode kagaya noong nakaraang Linggo na mataas pa naman ang rating.

Matataas din ang mga kasunod na programa hanggang sa Amazing Earth ni Dingdong Dantes na naka-9 percent.

Bagong episode din ang The Boobay and Tekla Show na naka-5.5 percent/ Special guest nila roon sina Kristoffer Martin at Kelvin Miranda na kung saan inamin na nga roon ni Kristoffer na sila na ni Liezel Lopez.

Nagbigay pa siya ng madamdaming mensahe sa kanyang anak sa dati niyang nakarelasyon.

Pero napag-alaman naming meron daw dapat na guest sa TBATS sa episode na iyon nina Kristoffer at Kelvin. Hindi na raw siya itinuloy dahil lumabas na positive siya sa swab test.

Pero nang sumunod na linggo ay nakita na naming bahagi siya sa lock-in shooting ng isang pelikulang kinunan sa isang probinsya. Magaling na kaya siya nu’n?

Komedyante at aktres, hindi na nagsalita sa pagkakaroon ng COVID-19

May ilan pang mga artistang nalaman naming nag-positive din sa COVID-19 pero tahimik na lang silang nagpapagaling sa kanilang tahanan.

Meron pa ngang isang komedyanteng na-confine pa sa hospital at ipinagdasal na ng ilang malalapit na kaibigan, pero hindi na sinabi sa publiko ang tungkol sa kanyang kalagayan.

May isang kilala ring young actress na nagpositibo rin daw pero mabuti at hindi naman ganun ka-severe kaya nagpahinga na lang at in-isolate ang sarili sa kanilang tahanan.

Marami sa kanila ang tahimik na lang, at ang iba ay ikinukuwento na lang pagkatapos na nilang gumaling.

Dagdag stress din kasi kapag marami na ang nakaalam at hindi ka na makapagpahinga sa kasasagot sa mga tawag at text.

Kaya mas mabuting patuloy na lang tayo sa pagdarasal. Magdasal na manatili tayong safe at malakas para labanan ang nakakamatay na virus na ito, pati ang ating pamilya at ang lahat na dumadaan sa ganitong hirap.

Huwag lang po tayo mapagod sa pagdarasal at humingi ng lakas sa Panginoon na malagpasan natin ito.

Dasal ang pinakamabisang panlaban sa giyerang hinaharap natin ngayon.

EDDYS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user