^

PSN Showbiz

Aktres nadadala sa sulsol, ‘di nagtatagal sa mga karelasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung tutuusin ay naging maayos ang hiwalayan ng isang showbiz couple na umabot nang maraming taon ang relasyon. Inupuan nila ‘yun nang parehong bukas ang kanilang isip at puso.

Pareho silang nakahinga nang maluwag pagkatapos ng kanilang masinsinang pag-uusap. Nangako sila sa isa’t isa na walang mga kuwentong lalabas na sobra sa kailangan lang.

Kuwento ng aming source na malalim ang alam sa hiwalayan, “Pero walang pagkakasunduan ang dalawa na walang magsasalita. Pero ang ma­linaw lang, walang sobrang kuwento, ‘yung totoong nangyari lang.

“Kumbaga, may freedom silang magsalita para i-confirm ang nangyari, basta huwag lang sosobra. Alam naman nilang dalawa ang scenario, hanggang du’n lang dapat sa katotohanan ang sasabihin nila,” unang kuwento ng aming impormante.

Naging tahimik ang mga unang araw ng kanilang hiwalayan. Hanggang sa puro panghuhula lang ang naglalabasan kung bakit ang mahabang panahon ng relasyon nila ay kinailangang humantong sa hindi magandang sitwasyon.

Patuloy ng aming source, “Hanggang sa one day, nagpa-interview ang girl, mahaba ang interview sa kanya. E, may ugali ang girl na hindi kayang hawakan ang emotion niya, di ba?

“’Yun na! Sinabi niya sa interview na sobrang bossy ang male personality. Nawalan daw siya ng identity dahil kung ano ang gustong mangyari ng guy, e, ‘yun ang kailangang mangyari!

“Minsan daw, e, nakagayak na siya, pero kailangan niya pang magpalit ng damit, hindi raw ‘yun ang color na gusto ng guy. Marami siyang kuwento na sobra-sobra, samantalang malinaw naman ang pag-uusap nila na hindi bawal magsalita, pero sa totoo lang dapat sila.

“Du’n na nagsimulang mawindang ang male personality. Bakit ganu’n, ang linaw-linaw naman ng pinagkasunduan nila na wala silang ilalabas na mga imbentong kuwento!

“Pero sige na lang, ipinagtatanggol pa nga ng male personality ang madaldal niyang ex. Hindi man sumunod ang girl sa pinag-usapan nila, e, okey na rin!

“Madali kasing makinig sa mga bulong ang girl. Hindi rin niya mapigilan ang mga daliri niya sa pag-click, kung anu-anong kuwento ang inilalabas niya na siya mismo, e, hindi rin naman naniniwala pero nagagawa niya!

“Kaya walang tumatagal na boyfriend ang girl puro panandalian lang, may mga bagay-bagay kasi siyang inilalabas na hindi naman totoo.

“Hindi bagay sa kanya ang name niya, sa totoo lang, kabaligtaran ‘yun!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mga pumustang ‘di sila ikakasal, supalpal Luis at Jessy ikakasal uli sa december

Maraming mapuputulan ng daliri, madadagdagan ang mga miyembro ng Yakuza, dahil tapos na ang civil wedding nina Luis Manzano at Jessy Mendiola nu’ng February 21 pa.

Mabilisan ang kanilang preparasyon, sa Dis­yembre pa dapat gaganapin ang kanilang kasal sa Palawan, pero nagdesisyon silang magpakasal na sa The Farm sa San Benito, Batangas.

Mga miyembro lang ng kanilang pamilya ang dumalo at ilang piling-piling kaibigan, dalawampu lang ang bilang, nagmistula silang nunal sa napakalawak na garden ng The Farm.

Nu’ng mag-propose si Luis kay Jessy ay nagsalimbayan ang mga agam-agam. Hanggang du’n lang daw ‘yun, walang kasalan, ampaw raw ang proposal.

Pero pinatunayan nina Luis at Jessy na kapag gusto ay makagagawa sila ng paraan. Hindi na nila kailangang ipaghintay pa sa Disyembre ang kanilang kasal kung puwede namang mas agahan.

Siyempre’y nandu’n sina Edu Manzano at Congresswoman Vilma Santos na matagal nang humihingi ng apo kina Luis at Jessy. Ang pamilya ng aktres ay tanggap na tanggap na si Luis sa kanilang pamilya.

Habang lumalakad si Jessy palapit sa ginawang altar ay umiiyak si Luis, sa tindi nga naman ng mga pinagdaanang isyu nina Luis at Jessy ay naisakatuparan pa rin nila ang pag-iisang-dibdib nang mabilisan.

Anak na ang hinihintay ng bayan ngayon, siguro raw ay nagdadalantao na si Jessy sa gaganapin nilang mas mala­king kasalan sa Amanpulo, nagdadalantao man o hindi pa ito ay magandang bride si Jessy.

Paano na ngayon ang mga nakipagpustahan ng putulan ng daliri na hindi matutuloy ang kasalang Luis-Jessy? Paano na ang mga nagsabing hanggang sa proposal lang ‘yun at walang kasalang magaganap?

Mister and misis na sila ngayon!

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with