^

PSN Showbiz

Alice, ayaw dating magkaanak!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Nanganak ba ang 51 year old na aktres na si Alice Dixson kaya niya nasabing ang 10 taon na niyang idinarasal na anak ay dumating na sa kanila?

Bakit biglang may baby na ganoong hindi naman nabalitang nagbuntis ang aktres?

Pero noong Biyernes Santo pa mismo, nag-post si Alice ng foot print ng isang sanggol na sinasabi niyang “newest little family member.”

Matatandaang nagpakasal noon si Alice kay Ronnie Miranda, nagsama sila ng 20 taon pero napagkasunduan nila noon na hindi sila magkakaroon ng anak.

Ngayong may bago nang boyfriend ba o asawa si Alice, na hindi pa rin niya pinapangalanan kahit na matagal na silang nagsasama, gusto naman nilang magkaanak. Pero sabi nga ni Alice, “we tried but we failed, that is why we agreed on surrogacy.”

Ano ba iyang “surrogacy”? Iyan ay isang pamamaraan kung saan ang binhi ng babae, at ang semilya ng lalaki ay pinagsasama, at tapos ay inilalagay sa sinapupunan ng isang “surrogate” na siyang magbubuntis at manganganak. Pero ang surrogate ay walang anumang kaugnayan sa bata maliban sa siya ang nagdala roon sa kanyang
sinapupunan.

Ni hindi lalabas sa DNA test ng bata na may kaugnayan siya. Ang lalabas ay DNA ng ama’t ina ng bata kung kanino kinuha ang binhi at semilya. Ang surrogate ay binabayaran ng malaking halaga sa kasalukuyan para sa kanyang panahon ng pagbubuntis.

Hindi iyan kagaya ng in vitro fertilization na ginagawa ng mga bakla na gustong mag-anak na ang egg cell ay galing sa tunay na babae, o mga tomboy na huma­hanap naman ng sperm donor.

Sa sistemang ginawa nina A­lice, talagang anak nila ang bata.

Masaya si Alice. At least mararanasan nga naman niya ang maging tunay na ina ng kanyang anak, ang kaibahan nga lang sa karaniwan, hindi siya ang nagbuntis.

Angel at Sen. Manny, ­nanghamon

Naniniwala si Angel Locsin na kung hindi na lang tayo kikibo sa nagaganap na Asian hate campaign na nangyayari ngayon sa US, magiging kawawa naman ang ating mga kababa­yan at iba pang Asyano doon.

Talagang nagsalita na si Angel dahil may ilang Pilipino nang nagiging biktima ng racist moves na iyon.

Nagsimula iyan dahil sa paninisi ng mga kano sa mga Asyano sa paglaganap ng COVID-19, na hindi lamang sumira ng kanilang ekonomiya kundi pumatay pa sa marami sa kanila.

At dahil sinasabi ngang ang sakit na iyan ay nagsimula sa China, napagbuntunan nila ng galit ang mga Asyano at hindi lamang ang mga Tsino. Sinasabi pa nila na nangyari iyan dahil sa masamang practice ng pagkain maski ng mga paniki na siyang pinagmulan diumano ng virus. Ang paniki ay hindi kinakain sa Western countries. Pero sinasabi nga ni Angel na kung tayo ay hindi kikibo sa nangyayaring ganyan, maaaring marami pa tayong mga kababayang madadamay.

Tinatayang ang mga Pilipino ay isa sa may pinakamalaking immigrant population sa US. Nanawagan din naman si Senador Manny Pacquiao sa mga gumagawa ng ganyan, sinabi niyang huwag ang mga mahihina at walang kalaban-laban ang kanilang sasaktan, kagaya nga ng isang matanda nang babaeng Pilipina pa naman.

Mga artistang gusto pang sumikat, sa social media na lang ang exposure

Nakakaawa ang mga artistang hindi sumikat o hindi na sikat. Sa panahong ito ng pan­demya, lalong walang kumukuha sa kanila.

Karaniwan ay gumagawa na lang ng tila TV show nila na inilalabas lang naman nila sa social media dahil wala na nga silang mapasukan at walang interesadong sila ay kunin.

Mayroon naman kumakanta na lamang sa social media na hangad na maipaalala lang sa mga tao na sila ay mga singer pa rin.

Masakit talagang tanggapin ang katotohanan na ang panahon mo ay nakalipas na, at mukhang malayo na ngang magbalik kahit na matapos pa ang pandemya.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with