^

PSN Showbiz

Jean, pina-freeze muna ang nanay na namatay rin sa COVID-19!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jean, pina-freeze muna ang nanay na namatay rin sa COVID-19!
Sandra at Jean
STAR/ File

Nakakalungkot na tuwing magbubukas ka ng Facebook o Instagram, may bago ka na namang nababalitaang may pumanaw dahil sa COVID-19.

Nadagdagan pa ng matinding pangamba dahil hindi na 5K plus, kundi mahigit 10K na ang naitatalang nagpositibo sa nakamamatay na virus na ito.

Parang ‘yung feeling mo papalapit nang papalapit na sa tahanan mo at baka sa mga susunod na araw isa ka na sa idadagdag sa listahan ng mga nagka-COVID.

Kaya emotional na ang iba at idinadaan na lang sa social media post ang kanilang nararamdaman.

Ang haba ng post ng magaling na aktres na si Jean Garcia sa kanyang Instagram account. Doon niya ibinahagi ang malungkot na balitang pumanaw na ang kanyang inang si Sandra Panganiban Garcia na may edad na 70 years old.

Bahagi ng mahabang post ni Jean sa kanyang IG account, “The past days had been rough. I’ve been tirelessly uttering my prayer petition that your healing would be the best gift that God would ever grant our family. Even bargained and promised to give more time and do my best to take care of you, in exchange of the healing and miracle I am asking and hoping for. But, yes, God has other plans for us. Exactly on your 7th day at the hospital, I lost an amazing mom whom I love so dearly.”

Hindi binanggit ni Jean kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng mommy niya. Pero nang makausap namin si direk Manny Valera na manager ng aktres, sinabi na niya na COVID-19 ang dahilan.

Pumayag naman daw si Jean na sabihing nagka-COVID ang kanyang ina. Hindi lang daw talaga madaling tanggapin na nalagpasan daw ng kanyang ina ang dalawang stroke, pero itong COVID hindi na niya nakayanan.

Noong nakaraang linggo raw napansin nilang matamlay ang kanyang ina at parang hirap daw itong magsalita. Akala raw nila parang epekto lang ng huling stroke, kaya nagpasya na raw silang dalhin sa hospital. Nahirapan din daw sila sa paghahanap ng hospital, pero nakakuha raw sila ng available na kuwarto sa Cardinal Santos sa Greenhills.

‘Yun nga lang hindi na raw kinaya, bumigay na rin daw ang kanyang ina pagkalipas ng halos isang linggo.

Ang masakit lang talaga kina Jean at buong pamilya, hindi nga raw nila nababantayan dahil hindi naman puwede, hanggang sa pumanaw na ito.

Nang makausap namin si direk Manny noong nakaraang Sabado, nadala na raw sa Arlington ang labi ng ina ni Jean at naka-freeze muna ito. Nakiusap daw ang ilang miyembro ng pamilya na sa Linggo na siya ipa-cremate, kaya inaasahang natuloy ang cremation kahapon.

Sabi ni Jean sa kanyang IG post na mensahe sa kanyang ina; “Mommy, know that you are missed. Your absence is felt every day. A part of me is still lost and I am wondering if I will ever get it back. Maybe that piece is in heaven with you and someday you can put it back in me, so I will be whole again. It will never get easier losing you while there are so many things reminding me of you and your love, but in your honour I will live a life that would have made you proud of me if you were still here.”    showbiz ganern... mula sa pahina 6-7

Bidang artista ng isang serye na na-COVID, hindi nagpaparamdam sa mga nahawa

Kuwentong COVID pa rin ang patuloy na pinag-uusapan at kamakailan lang ay nakarating sa akin ang pag-i-emote ng ilang staff sa bidang artista ng kanilang drama series na natigil dahil sa nagka-COVID ang karamihan sa kanila.

Pagkatapos daw ng kanilang quarantine, parang pinutol daw muna nitong artista ang pakikipag-communicate sa mga staff at ilang co-stars. Regular pa naman daw silang tsini-check ng staff para ma-update kung okay na sila.

Pero nagtataka lang daw sila bakit hindi na raw sila sinasagot nitong artista at kahit ang ka-loveteam nito. May tampo raw kaya ito sa kanila, samantalang ang duda nga nila ay dito kay artista nanggaling ang virus na kumalat sa set kaya ang dami nilang nagkasakit.

Ngayon ay deadma na raw, never na raw nagparamdam kung okay na ba siya at kahit kumustahin man lang ang ibang mga kasamahang nahawa roon sa taping.

Hinahayaan na lang daw muna nila, dahil baka may mabigat pa raw itong dinadala gawa ng pagkakasakit niya.

Sa panahon nga naman ngayon, dapat intindihin na lang ang kapwa dahil sa mga mabibigat na pinagdaraanan.

Sana maging okay na raw silang lahat, para makabalik na sila sa taping at mapanood na rin ang pagsisimula ng drama series na ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with