^

PSN Showbiz

JC muntik mawalan ng pag-asa sa pandemya!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
JC muntik mawalan ng pag-asa sa pandemya!
JC
STAR/ File

Ang ganda ng review sa pelikulang Dito at Doon na pinagbibidahan nina JC Santos and Janine Gutierrez na showing na sa iba’t ibang digital platform ((KTX, [email protected], Iwant TFC, Upstream, Ticket­2me) directed by JP Habac ng TBA Studios.

Kuhang-kuha kasi nito ang spirit at reflection ng nagaganap ngayong may ECQ na naman.

Natural ang naging atake nila sa mga eksena kaya lahat nang nanonood, nakarelate.

As usual, iba talaga pag si JC ang leading man eh natural pa ang husay ni Janine kaya sakto talaga.

Pero alam n’yo ba na bago itong Dito at Doon parang halos mawalan ng pag-asa si JC dahil nga sa pandemya. “Umabot na ako na nag-ba-browse na ako ng motor tapos sinabihan ko na ‘yung wife ko na, ‘Magluto ka, ilagay natin sa garapon, idi-deliver ko na.’ Tapos pumunta na ako sa itigil ko kaya muna itong shooting shooting? Kasi kailangan ko din ng pambayad ng bills at future eh.”

Nag-alala raw kasi siya ng onti  pero hindi naman nagtagal ang nararamdaman niya. “Pero, I think ang boredom para siyang bad day. Temporary lang siya. So, it’s not a bad life, it’s just a bad day. So, I think you have to really do something productive,” sabi pa ng aktor sa mediacon ng Dito at Doon  last Holy Monday.

Ipinaaala rin ng pelikula na kailangan mong huminga para hindi ka gaanong mag-isip sa krisis ngayon.

THE 4th EDDYS, mapapanood na!

NGAYONG Easter Sunday, 8 p.m., malalaman na kung sinu-sino ang magwawagi at tatanghaling Best Picture, Best Actor, Best Director, among others  4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) hosted by Robi Domingo.

Labing-apat na kategorya ang paglalabanan sa virtual na edisyon ng The EDDYS, bukod pa sa pagbibigay-pagkilala sa mga natatanging artista at personalidad na nagmarka at walang sawang tumutulong sa entertainment industry.

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), Toktok courier service at Beautederm Corporation, mapapanood sa buong mundo ang  virtual awards night sa ilalim ng direksyon ng award-winning OPM icon na si Ice Seguerra.

Libreng mapapanood ang Gabi ng Parangal sa FDCP Channel (sa ilalim ng EVENTS tab), SPEEd Facebook page at iba pang digital platforms.

Si Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos ang mag-a-announce ng 2021 EDDYS Best Actress winner.

Ang 3rd EDDYS Best Actor namang si Dingdong Dantes ang naatasang maghayag ng mananalong Best Actor.

Samantala, muling nagpapasalamat ang SPEEd kay FDCP Chairperson sa walang sawang pagbibigay ng suporta at tiwala sa The EDDYS. 

EDDYS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user