^

PSN Showbiz

Dominic, sunud-sunod ang pinagdaanan!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dominic, sunud-sunod ang pinagdaanan!
Dominic
STAR/ File

Masayang-masaya si Dominic Ochoa dahil muli siyang nakabilang sa isang makabuluhang programa ng ABS-CBN na Huwag Kang Ma–ngamba.

Para sa aktor ay nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga manonood ang kanilang bagong serye. “I’m very thankful na medyo sensitive ang ABS at ang Dreamscape sa paggawa at pagbuo ng ganitong istorya. It’s basically inspiring people to seek the Lord, seek His grace,” makahulugang pahayag ni Dominic.

Nakasama rin ang aktor noon sa teleseryeng May Bukas Pa at 100 Days to Heaven na parehong nakapagbigay ng inspirasyon sa pamilyang Pilipino. Ayon kay Dominic ay makatutulong ang Huwag Kang Mangamba upang maibsan ang suliranin ng mga manonood lalo na ng mga kabataan. “Ito ang kaibahan nito, teenagers naman ang sasakupin natin. Maraming millennial, maraming dapat nating intindihin, marami ding dapat ilapit sa Diyos.

“Sa rami ng nangyayari sa atin, sa ka-busy-han ng tao mag-TikTok. I guess natataon itong pagbuo ng story nitong Huwag Kang Mangamba sa mundo, na huwag tayong matakot. Kailangan lang nating umupo, mag-isip, magdasal at humingi ng tawad. Lumapit tayo sa Diyos dahil nandiyan Siya para pakinggan tayo,” paglalahad niya.

Sunud-sunod ang naging pagsubok ng aktor noong isang taon. Para kay Dominic ay kinailangan lamang niyang magpakatatag upang malampasan ang mga suliranin noon. “I got into an accident, I lost a show last year, and then nagkaroon ng pandemic. Parang ang daming pumapasok sa utak mo. Tapos may ABS-CBN shutdown pa tayo. Lahat ‘yan dinasal ko and at the end of the day, niluhod ko ‘yan sa Diyos, iniyakan ko ‘yan sa harap ng simbahan. We’re here to entertain people but we’re here also para ilapit din, we’re being used by the Lord also,” pagdedetalye ng aktor.

Osang, ginagawang pang-aliw ang mga celebrity baby

Nangangarap na magkaroong muli ng anak si Rosanna Roces. Matatandaang nagpakasal ang kontrobersyal na aktres kay Blessy Arias noong 2016. “Kung pwede lang magkaanak pa sana kami,” bungad ni Rosanna.ß

Mayroon ng mga apo ang aktres sa dalawang anak na sina Grace at Onyok. Napag-uusapan na umano nina Osang at Blessy ang tungkol sa pag-aampon ng bata upang ituring na sariling anak. “Antayin na lang daw namin ang next apo namin kay Onyok. Ayaw daw niyang mag-alaga, unless nga kung anak ni Onyok,” kwento ng aktres.

Ayon kay Osang ay talagang masaya sa pakiramdam kung mayroong kasamang bata o anak sa bahay.  Ngayon ay ang mga anak ng ilang sikat na aktres ang ginagawang libangan ni Osang. “’Pag nai-stress ako, nalulungkot, ang ginagawa kong libangan ay tumingin ng mga babies sa Instagram. Tinitingann ko ‘yung mga anak nina Coleen Garcia, Anne Curtis at Solenn Heussaff. Hinahanap ko ‘yung latest posts nila. Tapos ‘pag nakita ko ‘yon, masaya na ako, good vibes na,” pagtatapat niya.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with