^

PSN Showbiz

May surrogate mother, Alice may baby na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
May surrogate mother, Alice may baby na!
Alice
STAR/ File

Nakita natin ang masaya at malungkot na mukha ng showbiz nung nakaraang Biyernes Santo.

Masaya ang lahat para kay Alice Dixson nang ipinost niya sa kanyang social media account ang balita na meron na siyang baby.

Sabi niya sa kanyang Instagram account; “Despite the unexpected trials this year,  God gave us a little miracle.

“For those of you who really know me—you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now.

“Each year---my wish the same when I blew out my candles.

“So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true.

“Our newest little family member has arrived.”

Natunugan namin ang pag-alis ni Alice pa-Amerika nung nakaraang Pebrero. Napag-alamang nakatakda na palang manganak ang surrogate mother na kinuha nila para magdala ng kanilang magiging baby.

Ayon sa aming source, matagal na raw nagpa-freeze si Alice ng egg cells niya at pati na rin ang sperm cells ng partner niya.

May ilang proseso raw silang sinubukan pero hindi nabubuo. Ngayon lang daw sila nakabuo sa pagkuha ng isang surrogate mother sa Amerika. Kaya hindi na muna siya kasali sa dalawang cycle na lock-in taping ng Legal Wives dahil nasa Amerika pa ito.

Ayon sa ilang taong nakausap namin na malapit sa aktres, masayang-masaya raw ito na natupad na rin ang matagal na niyang pinangarap. Nalaman na ng source namin kung ano ang gender ng baby pero mas mabuting hintayin na lang daw ang pag-uwi rito ni Alice para sa pagpapakilala ng kanilang baby.

Mabuting si Alice na raw ang mag-decide kung kailan niya iri-reveal ang gender ng baby.

Nag-stop taping ngayon sa GMA 7 at baka sa May na magri-resume kaya may sapat na panahon pa si Alice na maayos ang pag-uwi niya ng bansa dala na ang kanilang baby.

Glydel sobrang apektado sa pagkamatay ni Arielle Agasang

Ang daming taga-showbiz naman ang nalungkot sa biglaang pagpanaw ng pamosong fashion designer na si Arielle Agasang nung Biyernes Santo ng umaga.

Isa sa apektado nang husto ay si Glydel Mercado na miyembro ng pamilya na raw ang turing kay Arielle. “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na wala ka na… Sobra akong affected sa pagkawala mo…magkasama tayo since I was 18 years old and we became the best of friends since then  and part ka na ng family ko…”  bahagi ng post niya sa kanyang Facebook account.

Nung naka-text ko nga si Glydel, iyak pa rin daw siya nang iyak nang nalaman nga niya sa dating manager na si Daddie Wowie.

Nakipag-communicate daw siya sa sister ni Arielle sa Messenger at nalaman nga raw niyang atake sa puso ang dahilan nang pagpanaw.

Inaalam pa raw niya kung ano ang plano ng pamilya. Pero talagang nahirapan daw siyang tanggapin ang pagpanaw ni Arielle na naging bahagi na raw ng buhay niya lalo na ang kanyang showbiz career na kung saan si Arielle ang gumawa ng lahat ng mga gown na sinusuot niya raw mga event na dinaluhan niya.

Si Arielle din ang gumawa ng wedding gown niya nung ikinasal sila ni Tonton Gutierrez nung March 15, 2004.

Ninong din daw si Arielle ng panganay nilang anak na si Aneeza na ginawan pa raw niya ng gown nung 7th birthday nito.

“Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon…nagpunta pa siya sa birthday ko nung March 10,” text pa sa akin ni Glydel nung nakaraang Biyernes Santo.

Ipinadala pa sa akin ng aktres ang litratong kuha nung birthday niya na kasama pa si Arielle.

“Diyos ko! Ano na ba tong nangyayari sa mundo?” text pa sa akin ni Glydel na isa rin sa sobrang nag-aalala sa mga nagaganap sa ngayon na patuloy pa ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Claire may virtual wake

Ipinadala na sa amin ang link ng virtual wake para kay Claire dela Fuente na magsisimula na ngayong araw April 4.

Nung nakausap namin ang mga closed friends ni Claire na sina Vice Gov. Imelda Papin at Eva Eugenio, sinabi nilang kinausap na raw nila ang anak ng namayapang singer na si Gigo de Guzman. Nangako silang tutulong sila sa pag-aasikaso ng virtual wake nito at sila na ang bahala kung ano ang kailangan. “Devastated ang mga bata eh…sabi ko sa kanila, pagbutihin na nila kasi silang dalawa na lang eh,” pakli ni Eva nung nakapanayam namin sa DZRH nung araw na pumanaw si Claire.

Ang isa lang daw sa nasasaktan ay si Imelda dahil hindi man lang daw napasok sa hospital ang kanilang kaibigan.

Nalaman daw nilang nasa tent lang ito ng hospital at naghihintay pa ng available na kuwarto. “Hindi ko alam kung anong feeling niya by that time. Pero wala naman siyang tawag. Wala naman siyang tawag sa mga friends ko.

“Tinatawagan siya dati ng isang ka-close namin lagi niyang pinapatay yung phone, kasi siguro hirap na siyang huminga. Pero nagkausap pa raw sila ng isang friend namin nung isang gabi, okay naman daw siya. Pero dapat kasi ipinasok na siya sa ICU. Kaya lang walang available eh,” saad ni Vice Gov. Imelda.

Hindi pa raw nila makalimutan ang pinag-usapan nilang pagkatapos ng pandemyang ito ay magku-concert daw sila uli at willing na nga si Imelda na siya na raw ang magpu-produce.

Nakakapag-concert naman daw sila ng solo, pero tiyak na mami-miss daw nila si Claire sa mga susunod nilang performance.

vuukle comment

ALICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with