_ngayon
^
Ate Vi, hindi nagmamadali na maging national artist!
Rep. Vilma
STAR/ File

Ate Vi, hindi nagmamadali na maging national artist!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2021 - 12:00am

“Nagpapasalamat ako, pero tanungin ninyo sila, wala akong hinihinging endorsement o ano man para maging national artist. Palagay ko kasi hindi naman sa endorsement iyan eh, depende sa body of works at walang ibang mag-aaral niyan kundi ang joint committee ng Cultural Center of the Philippines at National Commission on Culture and the Arts. Sila lang naman ang pipili at gagawa ng recommendation. Tapos ang Presidente ang huling mag-a-apruba,” chika sa amin ni Rep. Vilma Santos nang maka-text namin.

Dagdag pa niya : “Di ba nagkaroon pa nga ng kaso iyan sa Supreme Court nang magdagdag si dating President Arroyo ng mga ‘national artist’ na wala sa listahan ng CCP at NCCA, at nagkaroon na ng ruling. Binasa ko nga iyan eh at sinabi ng Supreme Court na “by power of control”, puwedeng ideklara ng presidente ang lahat, ang ilan, o wala man sa mga inirekomenda sa kanya para maging national artist na wala siyang kailangang ipaliwanag. Kaya ang desisyon, wala sa mga endorsement at walang kampanya iyan. “Kaya sinasabi ko nga nagpapasalamat ako sa mga taong naniniwala sa mga naipakita kong kakayahan bilang artista, pero hindi man ako makasali riyan ok lang sa akin kasi ang feeling ko marami pa akong gagawin para sa pelikula hindi lang bilang artista, gusto ko ring mag-direk.  Gusto ko rin mag-produce ulit,” paliwanag pa ni Ate Vi.

Iba naman ang reaction ng Star For All Seasons sa ilang mga heckler sa internet. “Iyong ibang award, kagaya ng best actress, manalo ka man ngayon, tapos may nagawa kang mas maganda pa puwede ka ulit manalo. Ang national artist basta natanggap mo na, hindi na mauulit iyan. Kaya ako, kalokohang sabihin na ayoko. Lahat ng artista nag-aambisyon niyan, pero hindi ako nagmamadali. Wala naman sigurong dahilan para ako magmadali,” pagtatapos ng pahayag ni Ate Vi.

Maja, pinaliit ang mundo

Pinag-uusapan ang ipinakitang lakas ng loob ni Maja Salvador na hindi lang i-manage ang sarili niyang career kundi nagtayo pa ng sariling management firm at nag-aalok din ng ma-nagement sa iba pang mga artist. Sa ginawa niyang iyon, tuwiran niyang kinumpitensiya ang pinagmulan niyang Star Magic na hawak ng ABS-CBN, at ang GMA Talent Center, kaya masasabing malabo na siya sa malalaking networks.

Iyong ibang independent producers, at lalo na nga ang malalaki kagaya ng Viva at Regal, may mga sarili ring management firm. Kaya ang tingin namin, pinaliit ni Maja ang kanyang mundo sa desisyon niyang iyon. Magkakaroon lang siya ng clout kung may maima-manage siyang iba pang malalaking artista, pero maku­kuha lang niya ang tiwala ng mga kapwa niya artista kung tataas nang husto ang kanyang career sa ilalim ng sarili niyang management. Kung hindi, sino ang sasama sa kanya?

Kung baga sa laro ng chess, iyan ang tinatawag na “queen’s gambit”. Tingnan na lang natin kung makakalusot siya.

Male starlet, buhay milyonaryo sa ayuda ng bading na opisyal

Hindi natatakot ang isang male starlet kung tumagal man ang lockdown, at tumagal din siyang walang trabaho. Lahat naman daw kasi ng kailangan niya, “kayang ibigay ng madaldal na official” na siya pala niyang beneficiary.

Ngayon daw humihingi pa si pogi ng ayuda sa madaldal niyang beneficiary para mabili niya ang kanyang dream car. Nabili na kasi niya ang kanyang dream condo na kahanay ng millionaires’ row.

Mukha namang makukuha niya ang lahat dahil baliw na baliw nga raw sa kanya ang madaldal na government official, na namimilipit pa raw basta hinahalikan na ni pogi.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with