^

PSN Showbiz

Mga anak ni Claire, ulilang lubos na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga anak ni Claire, ulilang lubos na!
Claire
STAR/ File

Ang unang pumasok sa isip ko nang mabalitaan kong namatay si Claire dela Fuente nung Martes ay ‘yung anak niya na si Gregorio de Guzman na naging controversial dahil sa ChristineDacera case. Imagine mo how he can cope up now, meron siyang problema, tapos ulila na siyang lubos dahil matagal nang patay ang tatay niya at ngayon naman ang inang si Claire.

Naisip ko nga na puwede ring masyadong mabigat ang problema na hinarap ni Claire kaya bumigay ang katawan nito.

Siya ang naging spokesperson ng anak nang ma­damay sa Dacera case.

Siguro ininda niyang mabuti ang problema.

Paano na ngayon ang naiwan na anak? Aside from ang sakit na mawalan ng ina, sino pa ngayon ang magtatanggol sa kanya? Alin kaya ang mas naging mahirap, ‘yung nawalan o ‘yung naiwan?

At ang siste, may COVID din siya.

Sana peaceful ang paglisan ni Claire. Sana kaya siya pumanaw upang mas matulungan ng kanyang spirit ang kanyang mahal na anak.

You can never question a mother’s love, kahit saan pa naroroon si Claire tiyak na nakabantay siya para ­matulungan ang anak niya.

Derek at Ellen, tinadhana...

Natuloy na ang proposal ni Derek Ramsay kay Ellen Adarna. Totoong hindi sa tagal ang isang relasyon para mauwi sa kasal, nasa intensity ito ng feeling mo.

Sabi ko nga, lahat ng bagay ay nasa proper timing, siguro nga ito ‘yung panahon na talagang gusto na ni Derek na magpa­kasal, at ito rin ang tamang panahon para kay Ellen na magpatali sa marriage.

Both Derek and Ellen’s journey in life ay parang bumpy road, may ups and downs, at may twists and turns. Pinagtagpo sila ng tadhana, nag-hit at swak ang lahat, kaya heto, may proposal na nangyari.

Maging positive na lang tayo sa love nilang dalawa, tingnan na lang natin na baka talaga sila ang para sa isa’t isa. Na talagang nakatadhana na ang lahat para sa buhay nila, na kahit saan at kanino, sa ending, sila pa rin ang magtatagpo, sila pa rin ang ginawa para maging pareha.

You cannot really understand what life have for you, ‘yung mga ‘bakit’ na tanong natin sa buhay, hindi natin alam kung ano ang sagot, o bakit ganito ang naging sagot. Basta tayo kailangang go with the flow, kung ano ang ibigay sa atin, tanggapin.

Congrats, Derek and Ellen, may your love stay as strong for the longest time.

vuukle comment

CLAIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with