^

PSN Showbiz

Janine, hinusayan ang akting para sa Nanay

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nahirapan si Janine Gutierrez nang makatrabaho ang inang si Lotlot de Leon sa kauna-unahang pagkakataon. Magkasama ang mag-ina sa pelikulang Dito at Doon na pinagbibidahan ng dalaga at ni JC Santos. “Kinabahan ako eh, mas kinabahan ako. Ewan ko ba, it was hard for me. I don’t know. Mas na-feel ko siya no’ng napapanood ko na. Even kasi with my siblings, lahat kami ‘pag papasok si mama tapos parang alanganin ‘yung sitwasyon, ‘yung kapatid ko umiiyak,” nakangiting kuwento ni Janine.

Napapanood na ngayon ang naturang digital film sa pamamagitan ng ktx.ph, iWantTFC at iba pang streaming platforms. Aminado si Janine na na-starstruck siya nang makaeksena ang ina.

Para sa dalaga ay kailangan niyang paghusa­yan ang pag-arte upang walang masabi si Lotlot tungkol dito. “While shooting it, parang kinakabahan ako. Na-startruck siguro ako sa nanay ko. Parang feeling ko I have to step up kapag si mama ‘yung kaeksena ko dahil nga nanay ko siya. And lahat naman ng ginagawa ko ay para maging proud siya. On one hand, it’s easier dahil nanay ko siya. On the other hand, it’s hard kasi nanay ko siya pero it was very fun. Na-appreciate ko na talagang ginawan niya ng paraan na magawa niya ‘yung pelikula sa schedule niya at lahat,” pagbabahagi ng aktres.

Ayon kay Janine ay malaki ang pagkakahawig ng karakter ni Lotlot sa naturang pelikula at sa totoong buhay. “Gano’n talaga siya tumingin sa totoong buhay. Marami talagang naka-relate so iba talaga ‘yung mga nanay. May psychic powers sila. Alam nila kapag meron kang iniibig,” pagtatapos ng dalaga.

Iñigo, binuking sina Maris at Rico

Kamakailan ay napabalitang nagkakamabutihan na diumano sina Maris Racal at Rico Blanco. Nagbigay ng reaksyon tungkol sa isyu si Inigo Pascual na dating espesyal sa puso ng aktres. “Wala pa naman akong masasabi pa. Wala pa namang nagko-confirm or anything. For me kung sila, masaya ako kasi siyempre alam ko kung gaano kaidolo ni Maris ‘yon,” makahulugang pahayag ni Inigo.

Nagkatrabaho sina Maris at Rico noong 2019 habang magkatambal pa sina Inigo at Maris. Ayon sa aktor ay talagang nasaksihan niya kung paano hinangaan ni Maris si Rico. “Noong love team kami ni Maris talagang as in pinapakanta sa akin ‘yung mga kanta ni Rico. So with them being friends, and the fact na nagka-collab sila dati, sobrang supportive ako doon. Kino-congratulate ko siya dahil alam kong sobrang idol niya ‘yon,” paglalahad ng binata.

Para kay Inigo ay kailangang maging masaya na lamang siya para sa estado ng puso ngayon ni Maris. “Siguro we should all just be happy for them if they are together. Kasi love is love and it’s a beautiful thing. And there’s so many people na in-love na gano’n din ‘yung sitwasyon. So if ever man, let’s be happy for them. Wishing them all the best,” giit ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JANINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with