^

PSN Showbiz

Randy, inayos ang TNT bago umalis

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Randy, inayos ang TNT bago umalis
Randy
STAR/ File

Sa Lunes ay mapapanood na sa TV5 si Randy Santiago bilang isa sa mga host ng Sing Galing. Kasama ni Randy sina K Brosas at Donita Nose bilang Singmasters sa naturang programa. Sina Rey Valera, Ronnie Liang at Jessa Zaragoza naman ang magsisilbing mga hurado o tinatawag ngayong Jukebosses.

Ayon kay Randy ay maayos ang naging usapan sa pagitan nila ng ABS-CBN sa kanyang ginawang paglipat ng bakuran. Kung muling mabibigyan ng pagkakataong maging Hurado ng Tawag Ng Tanghalan ay wala naman umanong magiging problema kay Randy. “Of course, maganda naman ang relasyon ko sa kanila. Nagpaalam kami nang maayos sa ABS-CBN, na pagkatapos ng season four ng Tawag Ng Tanghalan ay magtatrabaho muna kami sa iba para medyo malinis talaga ‘yung papel natin do’n sa kabila. So tamang-tama naman ‘yung timing right after the season saka namin inumpisahan itong Sing Galing,” pagbabahagi ni Randy.

Maraming mga alok din ang natanggap ng TV host-actor kahit noong mga panahong Hurado pa ng TNT sa It’s Showtime. “May mga kumukuha sa atin even before the season ended. Kung puwede ako sumali sa ganito, puwede ako mag-host. Sabi ko, tapusin ko muna ‘yung season four para hindi sumama ang loob sa akin ng istasyon,” kuwento niya.

Taong 1986 nang unang naging TV host si Randy at mula noon at iba’t ibang programa sa telebisyon ang kanyang nagawa. Malaki ang pasasalamat ni Mr. Private Eyes dahil muli siyang nabigyan ng pagkakataon na makapag-host sa telebisyon ngayon. “Para bigyan po ako ulit ng pagkakataon ngayon to host a show like this, napakalaking bagay nito sa akin. Meron pa palang naniniwala sa akin na marunong akong mag-host,” nakangiting pahayag ni Randy.

RK, nagiging fan ‘pag kaeksena sina Eula, Nonie at Sylvia

Napapanood na tuwing gabi sa Kapa­milya Channel ang teleseryeng Huwag Kang Mangamba na pinagbibidahan ng tambalan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, Francine Diaz at Kyle Echarri. Kabilang din sa bagong soap opera sina RK Bagatsing, Eula Valdez, Nonie Buencamino at Sylvia Sanchez. Para kay RK ay isang malaking karangalan na makaeksena ang mga batikang artista katulad nina Eula, Nonie at Sylvia. “Sa totoo lang, hindi nila alam ito pero ‘pag nag-eeksena kami I can’t help but be a fan eh. minsan magka-eksena kami pero parang napapanood ko sila. Minsan nagiging fan ako sa harap nila,” kuwento ni RK.

Aminado ang binata na inililihim lamang niya ang paghanga sa mga kasamahang aktor sa serye.  Kasama rin sa cast ng Huwag Kang Mangamba sina Diether Ocampo, Enchong Dee, Angeline Quinto, Dominic Ochoa, Soliman Cruz, Mercedes Cabral, Paolo Gumabao, Alyanna Angeles, Mylene Dizon at Dimples Romana. (Reports from JCC)

vuukle comment

RANDY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with