^

PSN Showbiz

Bea, pipirma ng kontrata sa GMA?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bea, pipirma ng kontrata sa GMA?!
Bea
STAR/ File

Palakas nang palakas ang usap-usapang nakatakda na raw pumirma si Bea Alonzo sa GMA 7.

Reliable naman ang nagkuwento sa amin na malapit na raw ang pirmahan.

Baka nga maantala lang nang konti dahil naka-ECQ pa tayo ngayon. Pero tila sure na sure ang kausap namin na matutuloy ang pirmahan.

May binanggit pa sa akin kung magkano ang halaga ng kontratang pipirmahan at medyo nakakalula na puwede naman dahil Bea Alonzo naman iyon.

Pero kung totoo man ang halagang involved, baka mag-react ang mga malalaking artista ng Kapuso network.

May ilang GMA executives akong tinanong tungkol dito, may sumagot na wala raw siyang alam sa ganung usapan. Meron ding sumagot sa aking wala pa itong katiyakan.

Matagal na rin naman daw ang may ganung usap-usapan, pero hindi pa masasabi kung matutuloy o hindi na.

Pero sana matuloy ang pirmahan at ang pagiging Kapuso ni Bea dahil kailangan pa rin ng malalaking artista lalo na’t pinili muna ni ­Marian Rivera na magpahinga ngayong nasa pandemya pa rin tayo.

Tamang-tama rin namang merong gagawing pelikula si Bea kasama si Alden Richards.

Jinggoy at JV, nabuhay ang away sa COVID-19 ni ERAP!

Muling sumiklab ang isyu ng magkapatid na dating senador na sina Jinggoy Estrada at JV Ejercito nang mapabalita ang pagsugod sa hospital ng dating Pangulo at Mayor Joseph Estrada dahil sa COVID-19.

Bandang tanghali ay naka-text ko si Sen. Jinggoy, at sinabi naman niyang okay na ang Daddy niya. Pero nahihirapan lang sila dahil hindi naman nila puwedeng bantayan ang kanilang ama dahil bawal.

Sa katunayan, naka-quarantine si Sen. Jinggoy noong Lunes pa dahil sa na-expose siya sa kanyang Daddy na positibo nga sa COVID-19. Pero nagkaisyu dahil nagpa-interview din sa isang news program ang dating Sen. JV.

Pero kinalaunan ay nag-post na si Sen. JV sa kanyang Twitter account ng; “Because of our complicated family structure, I will not be issuing any medical bulletins or any info from the hospital regarding my father. One sibling called me because I was interviewed earlier and conversation didn’t turn out well. Sorry guys. It’s complicated.”

Ang punto lang naman ni Sen. Jinggoy, mas mabuting ang magsalita tungkol sa kalagayan ng kanilang ama ay iyong nandun sa hospital, ang naghatid sa kanilang ama sa hospital at ang nakakausap ng doktor.

Ang latest update nga raw na ipinarating sa kanya ng mga doktor ay okay na ang kanilang ama at stable na ang kalagayan.

Kaya sabi pa ni Sen. Jinggoy sa kanyang Facebook live na Jingflix noong nakaraang Lunes ng gabi; “Ako po ang nagdala sa kanya sa hospital at ako rin po ang nakipag-coordinate sa kanyang mga doktor.

“Ang post ko po sa aking FB tungkol sa kalagayan ni Pres. Erap ay firsthand information na galing mismo sa kanyang mga doktor, sa kanyang mga espesyalista.

“So, nanawagan po ako na huwag tayo basta makikinig o maniwala sa mga espekulasyon ng mga taong wala namang alam, na wala naman sa tabi, na wala naman dun kagabi, at wala namang direct information sa sitwasyon.

“Kami po ng mga kapatid kong sina Jackie at Jude ang nagdala sa hospital sa tatay ko.

“We have the firsthand information. Huwag ho kayong maniniwala sa mga secondhand information.”

Wala na tayong masasabi tungkol diyan. ‘Yun na ‘yun!

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with