^

PSN Showbiz

Sarah at Matteo, nasa honeymoon mode pa rin!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Matteo, nasa honeymoon mode pa rin!
Sarah at Matteo

Mukhang ang saya-saya nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa photos na nilabas nila. Mukhang up to now nasa honeymoon stage pa ang dalawa at masaya sa kanilang pagsasama.

Dapat lang naman dahil talagang ipinaglaban nila ang kanilang love, matiyagang hinintay ang tamang panahon, at kahit nga may konti pang tampo ang mother ni Sarah, alam mo na maaayos din dahil kaligayahan naman ng anak ang hanap ng isang ina.

Cute nina Sarah at Matteo na ang hinihintay na ng lahat ay ang magiging little ones nila. At dahil happy sila, added happiness ang mga darating na babies nila.

Babies ha, dahil mukhang big family ang gusto nina Sarah at Matteo. 

We miss you, TIPMMG followers

Siyempre kahit na-miss ko ang Take It… Per Minute Me Ganun ngayong araw, hindi naman talaga tayo lumalabas ng Martes Santo, Salve. Pero sana next week meron na tayo, after all, six lang naman tayo sa loob ng Obra ni Nanay, at sinusunod natin ang health protocols.

Nakaka-miss talaga ‘yung lunch chitchat natin nina Cristy Fermin at Mr. Fu, eh malapit na tayong mag-100 episodes saka naman nag-ECQ (enhanced community quarantine) ulit, kalokah.

Saka sobra namang ingat ni Papa Miguel Belmonte sa amin ni Cristy at Mr. Fu kaya ayaw niya kaming lumabas ‘pag ECQ.

Pero energizer namin ang TIPMMG kaya looking forward kami every Tuesday. Sana naman magkita-kita tayo ng solid followers ng TIPMMG next Tuesday, sobra naming miss ‘yung tawanan at pagbati sa followers na laging nanonood sa amin.

Hay naku, kahit na ECQ, pipilitin namin si Salve na mag-show, mag-iingat naman kami noh, at susunod sa patakaran.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with