^

PSN Showbiz

Erap nagka-COVID, stable na ang lagay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon
Erap nagka-COVID, stable na ang lagay!
Erap

Kuwaresma na. Santo-Santo na. Panahon na ngayon ng pangingilin pero walang pakialam ang social media sa pansamantalang tigil-putukan.

Parang mas ganado pa ngayon ang mga bashers sa pag-upak sa mga personalidad dala siguro ng init ng ulo dahil balik na naman ang NCR at mga kalapit probinsiya sa ECQ.

Dala na rin siguro ‘yun ng pagkaburyong dahil ang dami-dami na namang bawal ngayon na nararapat lang naman dahil sa paglobo ng numero ng mga kinakapitan ng COVID-19.

Wala nang pinipiling personalidad ngayon para i-bash nang i-bash, mga artista at pulitiko, mga DDS at Dilawan. Labu-labo na ngayon ang labanan.

Para ngang hindi Mahal Na Araw ngayon kapag tumutok ka sa social media, wala nang pangingilin kahit sa loob lang nang isang linggo ng Kuwaresma, maiinit ang ulo ng mga Pinoy ngayon.

Malungkot na balita ang tinanggap namin kahapon nang umaga mula kay Col. Jude Estrada. Nu’ng Linggo nang gabi ay isinugod ang kanilang ama sa St. Luke’s Medical Center-BGC dahil sa kapansin-pansing panghihina.

Hindi nila maaaring palampasin ‘yun dahil otsenta’y singko anyos na sa April 19 ang dating Pangulong Joseph Estrada, lapitin na ng pagkakasakit, nagpositibo nga sa COVID-19 ang dating presidente.

Pero nakahinga nang maluwag ang pamilya nang ipaabot sa kanila ang abiso ng mga doktor na maayos na ang kanyang sitwasyon, stable ang kanyang mga vital signs, pero binabantayan pa rin siya nang husto.

Makatutulong nang malaki sa pagbuti ng kalagayan ng dating pangulo ang lakas ng kanyang loob at malayang pananaw tungkol sa buhay. Palagi niyang sinasabi na nag-iingat siya pero kung talagang oras na para siya’y magpaalam ay kailangan niya na lang na tanggapin ang kanyang kapalaran.

Bibihira ang tulad ni dating Pangulong Erap na nakahanda sa anumang magaganap. Totoo naman ang kanyang sinasabi na kapag dumating na ang ating takdang oras ay magsasauli na tayo ng hiram na buhay.

Humihiling ng panalangin ngayon ang pamilya Estrada para sa mas ikabubuti pa ng pinagdadaanang sitwasyon ng dating pangulo.

Harinawang malampasan niya ang pagsubok na ito na laganap sa buong mundo.

Toni at Alex, noon pa malakas kumain pero hindi tumataba

Na-blind item pala nu’n ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na diumano’y nag-inarte sa isang salon. Hindi raw sila pumayag na ordinaryong tubig mula sa gripo ang gamitin sa kanilang buhok.

Mineral water daw ang gusto nila, isang bagay na tinawanan na lang ni Toni sa You Tube vlog ni Alex, dahil kalokohan daw ang kuwentong ‘yun.

Sa mga pumupuna naman sa kanyang kapayatan ay idinepensa ni Toni ang kanyang sarili. Ang lumulutang kasing kuwento ay problemado ang buhay nilang mag-asawa, may pinagdadaanan daw sila ni Direk Paul, kaya grabe ang pangangayayat niya.

“Kapag tumaba ka naman, sasabihin nila, ‘Ang taba-taba mo! Mag-diet ka nga’!” sabi pa ng magaling na TV host-singer-actress.

Totoo ang kanyang sinabi na ‘yun na talaga ang kanyang body structure, hindi naman siya tumaba kahit kailan, maging si Alex. Small bone na sila talaga mula pa nu’n.

Pero sila ang mga payatot na masarap kumain, aktibo ang kanilang panlasa, nakapagtataka nga kung saan nila inilalagay ang pagkain dahil flat na flat naman ang kanilang tiyan.

Malakas kumain si Toni, magana ring kumain si Alex lalo na kapag paksiw na bangus ang kanyang ulam, parang wala nang bukas para sa kanya.

At hindi sila mapili sa pagkain, kahit ano lang ang kinakain nila, hindi sila umaarte pagdating sa nakahain sa hapag dahil biyaya ‘yun na kailangan nilang irespeto at pahalagahan.

Nasa pagpapalaki na rin ‘yun ng kanilang mga magulang, hindi naman kasi sila ipinanganak na mayaman at nakararaos lang, kaya sanay na ang kanilang panlasa sa lahat ng pagkain.

Naging malaking komedya ang minsang sinabi ng isang utility nang makatrabaho nito si Toni. Pinagkumpara pa nga sila ni Sharon Cuneta ng tagapagbigay ng pagkain sa location.

Ang sabi ng utility, “Nagtataka ako kay Ms. Toni. Malakas siyang kumain, pero flat naman ang tiyan niya? Kay Ms. Sharon, e, hindi na kami nagtataka, kita naman sa katawan niya ang ebidensiya.

“Pero si Ms. Toni, nakakailang kanin siya, masarap kumain, pero ang payat-payat naman niya! Saan napupunta ang kinakain niya?” tanong pa ng nagtatakang utility.

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with