^

PSN Showbiz

Coco at Julia, may mga iniiwasan pa rin

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Coco at Julia, may mga iniiwasan pa rin
Coco at Julia sa Bora

Ang saya-saya siguro nina Coco Martin at Julia Montes sa Boracay.

Imagine ngayon lang sila nagkasama nang matagal. Balita na tumatanggi sila sa selfie o magpakuha ng photos sa fans na siguro naman maiintindihan nila dahil private vacation naman ito nina Coco at Julia.

Dapat lang naman talaga na ‘pag mga ganitong pagkakataon, igalang at ibigay natin ang privacy ng tao.

Saka sure akong nasa high end na lugar sina Coco at Julia kaya hindi naman siguro ganun kagulo ang fans na nandun.

 Ito na ang first step nila, sana maging umpisa na nang pagiging open nila para wala nang dapat pang itago, shout to the world your love, tutal basta nakita namang maligaya kayo, tiyak maligaya rin ang mga nasa paligid n’yo.

Alden, tuhog ang endorsement sa magkalabang e-commerce platform

Tanong ng kasama namin sa bahay na si Celia, kung bakit daw dati nasa ibang e-commerce platform si Alden Richards pero ngayon nasa kalaban na ito.

Bongga nga si Alden ha, dalawang big e-commerce platform ang ine-endorse niya.

Ganun kalakas ang drawing power niya na may agawan para ilagay siya sa marketing, o baka talagang masarap siyang katrabaho kaya gustung-gustong kunin ng anumang kumpanya.

Isa kasi iyon sa gusto rin ng isang produkto, hindi lang ‘yung recall mo sa buyer, kundi ’yung ugali mo rin.

Kasi siyempre, kung ano ang image mo sa bu­yers, nasa utak nila ‘yung pagbili ng product. Puwedeng merong hindi magandang encounter, maging dahilan para sabihing huwag kang bumili niyan etc.

Ganyan ang epekto kung minsan ng endorser, nadadala niya ang product na ipinagbibili niya. Karugtong siya ng kung anuman ang sabihin tungkol sa produkto.

Siguro, maganda ang iniiwang image ni Alden kahit saan kaya lahat ay gusto siyang itatak sa product nila.

Bongga ha. Kaya naman walang pandemic kay Alden. 

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with