^

PSN Showbiz

Bukol ni Gerald na pinakita kay Yam, kinuyog ng mga netizens na pagod na sa isyu ng COVID

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bukol ni Gerald na pinakita kay Yam, kinuyog ng mga netizens na pagod na sa isyu ng COVID
Gerald at Yam

Napapagod na ang mga tao sa kuwentong COVID. Napansin ko rin nga sa mga radio program namin, ayaw na ng mga listener namin malaman kung sino pa sa mga artistang nagka-COVID. Hinihintay na lang nila kung ano na ang mangyayari sa susunod na araw ngayong pataas pa rin nang pataas ang COVID cases.

At sa ganitong sitwasyon natin, malaking bagay ang entertainment.

Kahit paano may magaganda at masasaya tayong napapanood sa TV, at nasusubaybayang kuwento sa social media at sa ilan pang digital platforms.

Epek na epek nga ang inilabas na ilang eksena ng bagong drama series ng Kapamilya channel na Init sa Magdamag.

Ang init din naman talaga ng eksenang ipinost sa Facebook account ng ABS-CBN 2 na kung saan ipinakitang naghubad si Gerald Anderson sa harap ni Yam Concepcion habang naka-white boxer briefs na lang ito.

Babad ang ibabang bahagi ni Gerald at delicious nga ang dating ng controversial actor. Kaya as of presstime na dalawang araw pa lang ito sa kanilang FB account, naka-3.2M views na ito.

Pinag-usapan at kinakiligan ito ng mga netizens lalo na ang sangkabaklaan!

Magandang promo nga ito bilang ang sexy ng packaging ng bagong teleseryeng ito.

Ogie, kakarerin na ang pagiging talent manager

Maganda ring pampagaan ng kalooban natin ang napanood naming virtual

concert sa KTX-Ph na Virtually Yours, Kilabotitos nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion nung nakaraang Biyernes ng gabi na sa first part pa lang ng concert, na-enjoy na namin nang husto.

Lalo nang kantahin nila ang theme song ng Joey and Son na sitcom nina Ian at Joey de Leon noon. Sinundan nila ng theme song ng mga nag-hit na sitcom na John en Marsha, Iskul Bukol at Palibhasa Lalake. Na-appreciate namin si Ian na kering-keri naman pala talagang mag-concert.

Kahit paano napagaan ang pakiramdam namin pagkatapos ng balitang may 9,838 new cases ng COVID-19 noong Biyernes ng hapon.

Ang galing pa rin talaga ng hirit ni Ogie sa mga comedy nila ni Ian. Isa ring nagustuhan namin ay ang special numbers ng mga alaga ng A Team ni Ogie na sina Lara Maige, Gian Magdangal ang Moria Lacambra. Sinimulan muna nina Ogie at Ian ng Grease songs at pumasok si Gian na ang ganda nang pagkakanta ng Sandy.

Kaya tama ring kinarir na rin ni Ogie ang pagma-manage, dahil ang dami pa ring magagaling na talents na hindi lang nabigyan ng tamang break. Nabanggit na ni Ogie sa presscon noon na magkakaroon na raw siya ng panahon sa kanyang mga talent sa A Team at collaboration sa Star Magic. “We’re going to forge a partnership also with Star Magic. Makikita n’yo yun soon. All of our A Team talents, we will be doing a strategic partnership with Star Magic. Abangan nyo po yun. So, solid tayo sa Kapamilya,” napapangiting pahayag ni Ogie.

Maganda ang production ng Virtually Yours, Kilabotitos. Pero mas gusto talaga sana naming mapanood sila sa live concert. Sana mangyayari pa ‘yan!

Guwapong actor na bida sa serye, nagwala nang hindi makilala ng waiter

Gustung-gusto namin itong guwapong young actor na ito na nagbibida na sa ilang mga project ng isang TV network.

Minsan may pagka-weird ang dating sa amin, pero mabait naman siya.

Magalang at talented naman kasi.

Pero ngayong nabibigyan na siya ng magandang break, nagkaka-attitude na raw ito.

Minsan daw sa isang lock-in taping ng isang drama series. Marami raw ang nakasaksi kung paano niya tinalakan ang waiter na nag-serve sa kanya ng pagkain. Hindi raw niya type ang nai-serve na lunch, sinigawan daw ang waiter. Bakit daw iyun ang ibinigay sa kanyang pagkain eh hindi naman daw siya kumakain nun.

Nagulat si waiter dahil nagsi-serve lang nga naman siya ng pagkain na in-order ng production. Kaya sinabi raw niya na kung gusto niya, puwede niyang iparating ito sa production dahil nagsi-serve lang naman daw siya.

Lalong nagalit daw si guwapong actor. Sinabihan daw niya si waiter, kung kilala ba siya.

Baka hindi raw alam nitong waiter na siya ang isa sa mga bida sa drama series na tini-tape sa lugar na iyun.

Lalo pa raw siyang nairita nang sinagot daw siya ng waiter ng; “sorry po sir, hindi ko po kayo kilala.”

OA raw sa pagkapihikan sa pagkain itong si guwapong aktor, kaya nahuli rin daw ito minsan ng security guard na gustong tumakas sa location na kung saan sila naka-lock in.

Hindi kasi puwedeng lumabas dahil nag-iingat ang lahat. Pero nagpilit daw itong lumabas dahil gusto raw bumili ng pagkain sa labas.

Ewan ko lang kung ibinili na lang siya ng production, dahil hindi raw talaga ito pinayagang lumabas.

 

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with