^

PSN Showbiz

Mga ayaw magpabakuna, hindi dapat pilitin

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mga ayaw magpabakuna, hindi dapat pilitin
Mark Anthony

Akala na naman ng ibang nakabasa ng post ko tungkol kay Mark Anthony Fernandez ipinagtatanggol ko ‘yung maling ginawa ni Mark Anthony at ng Parañaque sa bakuna sa kanya.

Ang point ko, sabi ni Mayor Edwin Olivarez kaya napilitan sila na bigyan si Mark Anthony dahil sa merong sobra sa bakuna na puwedeng ma-expire kung hindi gagamitin dahil merong hindi dumating na dapat bakunahan. Look? Sa palagay n’yo ba magkakaroon ng lakas ng loob na kumuha ng litrato si Mark Anthony kung alam nila na may mali sa ginawa nila? Hindi ba dapat itago dahil mali? Second, iyon ang point ko, dapat ‘yung bakuna i-open sa lahat, iyon ang dapat unahing gawin, pero kung ayaw at masisira lang ang matitirang bakuna bakit hindi ibigay sa iba?

Totoong dapat ang frontliners ang mauna, medical people, kahit pa ang government officials, basta gusto nila. Eh ‘di ba ang dami ngang ayaw, bakit sila ang pipilitin? Bakit hindi ibigay doon sa may gusto?

Dapat lahat tayo may bakuna, so be it, pero ‘yung umaayaw, ‘yung pinipili pa ang gusto, unfair naman na ibigay pa sa kanila kung puwede namang pakinabangan ng iba.

Huwag tayong emotional dito, dapat practical lang. So kung ikaw ayaw mo, puwede bang sa akin na lang? Unahin ang frontliners, seniors at mahirap, sila lang ba ang Pilipino? Sila lang ba dapat ang maligtas? Baka nga bawat segundo ay importante para hindi mag-expire ang bakuna, kaya dapat ‘yung dumating ay ubusin na. Maghintay ‘yung iba sa susunod na darating.

Huwag na nating gawing issue ‘yung kung sino ba ang dapat unahin, ang importante, sino ang may gusto. Gusto ng mga naunang mga mayor na magpabakuna, hindi ba dapat safe ang mga leader natin, kaya gusto nilang mauna, OK. Ipakita sa lahat na safe itong bakuna na nasa atin, so gamitin.

Hindi pagtatanggol sa mali ‘yung ginawa ko, tiningnan ko lang ang practicality ng ginawa. Saludo pa nga ako kay Mayor Olivarez dahil mabilis ang desisyon niya, kesa masira ang bakuna, iturok na para mabawasan biktima ng COVID-19.

Tingnan kasi natin ng hindi biased ang mga bagay-bagay, huwag masyadong madaling mang­husga. Sana naman maintindihan n’yo ang point of view ko, akin lang iyon. So tama lang din na makita kong tama rin kayo dahil iyon naman ang punto n’yo. Ayoko lang na para bang basta nagbigay ako ng opinyon, para bang dahil lang meron akong makukuha, palagay n’yo ba, dahil diyan, baka 10 times akong bakunahan?

Lani at Bong, hindi natibag ng mga pinagdaanan

Akalain mo iyan na inabot na rin pala ng dalawang dekada ang pagsasama nina Bong Revilla at Lani Mercado. ‘Yung ang dami nilang dinaanan  pagsubok, ‘yung halos akalain mong hindi magtatagal dahil sa problema, hayan at sila pa ring dalawa ang magkasama. May mga problema silang alam mo na sobra ang bigat at baka hindi na makaya, pero nilabanan nila at hawak-kamay pa rin nilang nalutas.

I can proudly say na talagang kita at feel ko na talagang mahal nila ang isa’t isa. Kahit ano pa ang mangyari, Lani Mercado will always stay sa side ni Bong Revilla. At kahit sino pa ang nandiyan, Bong Revilla will always be the husband of Lani Mercado

You are both a gift of God to each other, kaya nga kahit ano pa ang mangyari, lagi pa rin kayong magkasama. Treasure each other forever, you are both precious gems worthy of love.

vuukle comment

MARK ANTHONY FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with