^

PSN Showbiz

Marco, nahawa rin ng COVID-19 sa taping

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Marco, nahawa rin ng COVID-19 sa taping
Marco at Noah

Sa gitna ng mga kumakalat na kuwento tungkol sa mga nagkakasakit sa COVID-19, hindi na nagbigay ng kahit anong statement ang GMA 7 kaugnay sa pagkaantala ng airing ng Dalawang Ikaw nina Ken Chan at Rita Daniela. Kaya magri-replay na lang muna ng isang drama series na Ang Dalawang Mrs. Real nina Dingdong Dantes, Lovi Poe at Maricel Soriano.

Ang sinabi na lang nila, itinigil na ang taping dahil sa pag-surge ng kaso ng COVID-19, at para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Iyon naman din talaga ang dahilan kung bakit natigil ang halos lahat sa mga naka-lock in na tapings, pati na rin sa studio tapings dahil meron pa ring nagkakasakit.

Kaya mas mahigpit na ngayon. Mas maingat at ang iba nga ay hindi na rin muna tumatanggap ng guestings at nanatili na lang muna sa kani-kanilang mga bahay.

Nakaka-touch ang ibinabahagi ng ilang mga artistang nahawa ng nakakamatay na virus na ito.

Kagaya ni Marco Alcaraz na naka-quarantine pa rin hanggang ngayon dahil nag-positive siya sa taping ng isang drama series. Hindi na niya binanggit kung ano ito, pero mapapanood naman ‘yan kapag naipalabas na. Hindi niya napigilang maluha sa kanyang vlog na ipinakita ang sulat na ipinadala ng kanyang anak na si Noah.

Sobrang na-miss na siya ng kanyang pamilya, pero kailangan niyang magtiis na ma-quarantine ng ilang araw para na rin sa safety ng kanyang pamilyang uuwian.

Sabi niya sa kanyang vlog noong kamakalawa lang, “Apat na tulog na lang makakasama ko na ang pamilya ko ulit.”

Hindi raw niya inaasahang mag-positive siya pati ang ilan pang kasamahan niya sa taping. May kasama siyang isang aktor sa kuwarto na tinutuluyan nila, siya lang ang nag-positive at negative naman ang kasamang aktor.

Buti na lang daw at asymptomatic naman siya at wala siyang ibang masamang nararamdaman. Kaya sa ilang araw na pagka-quarantine niya, ginugugol na lang daw niya ang oras niya sa pagdarasal, nag-i-exercise at kinakausap na lang pamilya at ilang close friends sa FaceTime.

Noong kamakalawa rin ay na-tense ang mga artista at production staff sa taping ng isa ring drama series dahil nag-positive ang isang magaling na aktres na bahagi nitong seryeng ito. May symptoms siyang naramdaman at kailangan niyang i-quarantine.

Kaya natigil ang taping at ipina-swab lahat ng co-actors at staff.

As of presstime ay hinihintay pa nila ang resulta ng RT PCR test, at lahat sila ay nati-tense na naka-qua­rantine habang hinihintay ang resulta.

Kaya tama rin ang desisyon ng mga TV network na tumigil na munang mag-taping at pahupain muna ang pagtaas ng COVID cases.

Tamang-tama rin namang maghu-Holy Week na kaya may time na magdasal at magtika sa panahong ito.

Actor/director, gusto munang magpahinga kahit nagri-rate ang programa

Tama na rin siguro ang desisyon ng isang actor/director na magpahinga muna siya ngayong taong ito dahil sa hindi na magandang nangyayari sa ngayon.

Nakatakda na sanang mag-renew si actor/director sa TV network na kung saan matagal na siyang nakakontrata.

Inaayos na raw ang renewal ng kontrata dahil maganda naman ang takbo ng mga programa niya. Pero mukhang hindi raw muna ito pipirmahan ni actor/director dahil gusto muna niyang magpahinga sa ngayon.

Babalik naman daw siya. Pero natatakot lang daw itong magtrabaho sa ganitong sitwasyon.

Nag-aalala lang ang co-stars at mga katrabaho niya dahil maganda naman ang takbo ng rating ng programa nila. Paano na kung hindi muna siya magtatrabaho, matetegi na rin ang programa nila?

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with