^

PSN Showbiz

Gerald at Julia, ‘di na kailangang magsinungaling!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gerald at Julia, �di na kailangang magsinungaling!
Julia, Gerald at Scarlet

Sure ako na happy sina Gerald Anderson at Julia Barretto dahil open na ang relationship nila. Nakita ko ‘yung photo kung saan kasama nila si Scarlet na siguro dinalaw nila dahil close sila kay Dra. Vicki Belo. Kitang-kita mo ang happiness sa mukha nina Julia at Gerald na ngayon puwede na silang openly makitang magkasama, wala nang itatago at hindi na kailangang magsinungaling. Blooming si Julia at mukhang at peace na si Gerald.

Wala na ring magagawa ang mga ayaw sa kanilang relasyon, hayan na, inamin na. Siguro mag-wish na lang tayo na sana ay magtagal sila, na sana nga maging forever ang ipinaglaban nilang love.

Maligaya sina Julia at Gerard, at tiyak makakakita rin ng happiness si Bea Alonzo. Anong malay natin, baka sa bagong pag-ibig at relasyon, mas maging masaya si Bea baka iyon ang talagang ‘the one’ para sa puso niya.

Mga taga-showbiz, hindi nagdadamot ng tulong

Maraming celebrities ang naririnig at nakikita kong tumutulong sa mga apektado ngayon ng pandemic. In fact, ipagmamalaki mo na ang daming stars na socially aware sa mga nagaganap na paghihirap sa paligid natin.

Financially, hindi naman naging maramot ang stars sa pagtulong. Mababalitaan mo na lang na nagpadala sila ng tulong, nagbigay at nag-abot sa kanilang makakaya. Kaya nakakatuwa dahil alam nila na mag-share.

Una na ngang dapat tulungan ngayon ang maraming taga-showbiz na affected dahil member ito ng pamilya mo, mga showbiz writers, technicians, lahat ng nawalan ng kita dahil sa pandemic.

Hindi ako magtataka na maraming lumalapit kina Willie Revillame, Dingdong Dantes, at iba pang artista dahil na nga sa hirap na dinaranas ngayon. Kaya nga panawagan ko, unahin nating tulungan ‘yung kasamahan natin, sama-sama naman tayo tiyak na babangon. 

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with