^

PSN Showbiz

Mark dinepensa ng mayor, doktor na nagturok pananagutin!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mark dinepensa ng mayor, doktor na nagturok pananagutin!
Mark

Pati sa Talk to the People ni Pres. Rodrigo Duterte noong nakaraang Miyerkules ng gabi ay binanggit ang isyu ng mga sumingit sa pagpapabakuna kahit hindi naman sila prioritized.

Bukod sa mga mayor na nakasingit ay binanggit niya ang anak ng artista na obvious na si Mark Anthony Fernandez ang tinutukoy niya.

Tahimik pa rin si Mark Anthony, at kahit si Alma Moreno ay ayaw magsalita tungkol sa isyu ng actor.

Dapat nga may naka-schedule na interview sa amin si Mark Anthony kagabi, ipina-cancel ito at nanatili pa rin siyang tahimik. Pero inabsuwelto naman siya ni Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque na na-belong daw kasi ang aktor sa A3 priority dahil meron siyang comorbidities.

Sabi nga ni Mayor Olivarez sa interview sa kanya sa CNN Philippines, na-check nga raw niya na nasa priority list daw si Mark Anthony dahil sa kanyang karamdaman nang na-check ito ng doktor.

“Nagkaroon po ng depression si Mark, so ibig sabihin niyan he’s qualified for the next priority after the frontliners,” pakli ni Mayor Olivarez.

 Bukod pa riyan, halos natapos na raw nilang nabakunahan ang mga frontliner kaya sinusunod na nila ang mga next na nasa priority, ang mga senior citizen at ang may karamdaman kagaya nitong comorbidities.

“Tapos na po kami, more than 90 to 95 percent na frontliners ang na-inoculate namin. So, sumusunod na po kami sa priority category, ‘yung ating  mga senior citizens na ongoing na po ang vaccination,” dagdag niyang pahayag.

Pero pinapa-verify pa rin daw ni Mayor Olivarez ito lahat at kung sakali, ‘yung doktor na nag-vaccinate kay Mark Anthony ang talagang mananagot. “Ang may penalty po diyan ‘yung mismong nag-inject, hindi po ‘yung mismong tao.

“Yun po ang bibigyan ng show cause order, magpapaliwanag sila bakit hindi po sinunod ‘yung prioritization given by the guidelines of the DOH,” patuloy na pahayag ni Mayor Olivarez.

Sharon pagod nang mawalan ng mahal sa buhay

Muling nag-emote si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na humihingi ng patuloy na pagdarasal kay Fanny Serrano, dahil naka-life support na lang daw ito.

 Sinabi pa niya sa kanyang post na noon pa man ay ipinangako na raw niya kay Tita Fanny na aalagaan niya ito hanggang sa ending, pero ayaw naman daw niya ng ganitong ending. “I know it is all God’s call and His decision, but I wish you weren’t in this situation. I truly have no words to say…there are just no words for how painful this is for me and the others who love you…Bakit naman hindi ni hindi tayo puwede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal? Para na kitang Nanay…I love you so much…”      

Ramdam mo ang takot ng Megastar sa kung ano ang mangyari sa kanya.

Binanggit pa niya na kailan lang ay nawala si Rocky Gather­cole na close rin sa kanya, at ngayon ay nanga­nganib din ang kilalang make-up artist.

“PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY. Huwag naman po sana, Lord…” dagdag na pahayag ni Sharon sa kanyang IG post.

Nakausap ko naman si Lorna Tolentino kamakalawa, hindi naman daw nila masasabing life support ang nakakabit kay TF. May mga tubig daw kasi ito sa lungs kaya kailangang tanggalin iyun, at naka-intubate ito.

Nakatutok daw sa pag-alaga sina Amy Austria at ang asawa niyang si Duke Ventura.

Oras-oras ay nagdarasal daw sila para kay Tita Fanny at pati na rin sa iba pang nagkakasakit at ang mga pumanaw sa COVID-19.  May mga nakatoka na raw sa kanilang grupong The Legends na magdasal every hour.

Idasal natin lahat na malagpasan ito ni Tita Fanny at matapos na rin itong hirap nating pinagdaanan sa pandemyang ito.

Maja nagluluksa pa rin

Ang isa pang apektado rin ay ang bida ng Niña Niño na si Maja Salvador.

Dahil sa kamakailan lang ay pumanaw ang kanyang Tita na sobrang close sa kanya.

 COVID ang dahilan nang pagpanaw ng kanyang tiyahin na isang cancer survivor at na-kidney transplant pa raw ito.

“Ang hirap ng buong linggong ito para sa akin kasi yung Tita ko for 20 years nilaban niya…survivor siya…nagpa-kidney transplant siya, 20 years inilaban niya ‘yun. She had also Cancer stage 4, nilaban niya ‘yun, tapos naoperahan pa siya nu’ng December nalaban niya ‘yun. And then, nahawaan po siya ng COVID and she just died three days ago,” kuwento ni Maja sa nakaraang mediacon ng bagong drama series niya sa TV5 na Niña Niño.

Kaya itong Holy week ay wala raw silang balak ng boyfriend niyang si Rambo Nunez na magbakasyon dahil nagluluksa pa rin siya at ang buong pamilya. “It’s a very difficult week for me. Kaya ako sabi ko, may plans man ho ako for Holy Week, pero kailangan i-cancel ko lahat kasi sabi ko, hindi talaga biro ‘yung coronavirus na meron tayo. So, I think itong Holy Week ay kung maari po sana we’ll just stay sa mga bahay bahay to help our frontli­ners din and siyempre ibigay din natin kay Papa God ‘yung Holy Week talaga para mag-reflect din at magpasalamat, humingi ng proteksyon sa nangyayari sa buong mundo,” malungkot na pahayag ni Maja.

Hinding-hindi makakalimutan ng aktres ang namayapa niyang Tita dahil ito raw ang nagkupkop sa kanila ng ina nang dumating sila rito sa Maynila at lagi raw siyang isinasama sa pagsisimba.

Magiging abala na rin si Maja sa promo ng Niña Niño na magsisimula na sa April 5 sa TV5 bago mag-FPJ’s Ang Probinsyano.

 

vuukle comment

MARK ANTHONY FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with