^

PSN Showbiz

Markki, pinipilit paamining bakla

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Markki, pinipilit paamining bakla
Markki

Nakipagpalitan na ng statement ang singer-actor na si Markki ­Stroem laban sa mga taong pinipilit siyang aminin na ang kanyang tunay na sexual orientation. Hindi rin naman namin maintindihan ang ibang tao.

Ang sexual orientation, ano man iyan ay isang bagay na pribado at nasa tao iyon kung gusto ba niyang ilantad ang kanyang sarili o hindi. Karapatan ng isang tao na ihayag kung ano ang inaakala niyang maganda para sa kanya, hindi kung ano ang kagustuhan ng iba na sabihin niya.
Isa pa, kung totoo man ang bintang nila kay Markki, artista iyong tao eh, at maaaring makasira sa kanya iyon.
Ang mga taong ganyan ang galit na galit nang ayaw bigyan ng bendisyon ng simbahang Katoliko ang kasal ng mga bakla. Parang ipinag­lalaban nila ang kaparatan ng mga bakla, pero sinisiraan nila kung sino man ang napagdududahan nilang bakla. Bakit nga ba ganoon sila?
Pabayaan na ninyo si Markki. Wala siyang ginagawang masama at istorbo sa inyo. Hindi rin kasiraan ng tao kung siya man ay ipinanganak na isang bakla.

Mark Anthony, lumakas sa bakuna ng COVID-19?!

Nasadlak na naman sa controversy at problema si Mark Anthony Fernandez matapos na iutos ni Presidente Digong mismo ang pag-iimbestiga sa kanyang pagpapabakuna laban sa COVID kahit na wala siya sa priority group, at iharap agad ang kaso sa Ombudsman. Dahil sa Ombudsman ihaharap ang kaso, ang ­unang tatamaan ay si Mayor Edwin Olivarez ng Parañaque. Nangatuwiran si Olivarez na nabakunahan na raw nila ang A1 sa priority list. Kumpleto na nila ang 90 percent ng mga frontliner, at sinasabi niyang si Mark ay may comorbidity na naglalagay sa kanya sa second priority kaya napayagan. Mayroon daw kasing hypertension si Mark at may panahong nagkaroon iyon ng depression.

Pero ang iginigiit naman ng DILG, ang nakita nilang statement ni Mark sa isa niyang interview na kung saan sinasabi nga niyang wala siyang sakit, mala­kas ang kanyang katawan at wala siyang maintenance medicines. Wala raw siyang iniinom na gamot kundi vitamin C.
Iyan ngayon ang dalawang conflicting statements, mayroon nga ba siyang comorbidity o malakas ang kanyang katawan. It is either hindi siya nagsabi ng totoo sa kanyang interview, o nagsabi ng hindi tama si Mayor, pero sa nangyari, tiyak may mananagot.

Mayroong panukala noong una na kumuha ng celebrities, kabilang na ang mga artista para mahikayat ang mga taong magpabakuna, dahil noon kahit na ang mga frontliner, ayaw ngang magpasaksak ng Sinovac, pero iniurong nga iyon, kasi nagbanta raw ang WHO na kung hindi susundin ang nakatakdang protocol, ititigil na nila ang libreng bakuna na ibinibigay sa Pilipinas.

Eh sa ngayon puro libreng bakuna pa ang ating ginagamit at iyong binili raw natin ay paparating pa lang, na hindi rin malaman kung kailan.
Sa mga nangyayaring violations sa protocol, kung matitigil nga ang pagpapadala ng libreng bakuna, lalo tayong mahihirapan. Siguro nga premature iyong ginawang announcement ni Mark Anthony na nabakunahan na siya. Pero makikita mo naman ang intentions na sinabi niyang walang masamang epekto sa kanya, pakiramdam niya ay lumakas pa siya, ibig sabihin kinukumbinsi niya ang iba na magpabakuna na rin. AstraZeneca raw ang isinaksak sa kanya.

Pagwawaldas ng pera, hindi bagay sa pandemya

Sa panahong ito ng pandemya, kung kailan marami ang nawalan ng hanapbuhay, at marami na rin sa ating mga kababayan ang nagugutom at hindi na kayang kumain ng tatlong ulit sa maghapon, ang ginagawa ng iba na pagsasayang ng salapi, bagama’t iyon ay pera nila at karapatan nilang gawin sa pera nila kung ano man ang gusto nila, hindi na dapat inilalabas pa sa publiko.
Hindi tama sa ganitong panahon na may nagdi-display pa ng kanilang kayamanan para lang patunayang nakakaangat sila sa buhay.

Hindi dapat ngayon mag-display ng maraming alahas, mga lupain, ng naghambalang na cash, ang pagwawaldas ng pera sa shopping, pati na ng pagbili ng panali sa aso na daang libong piso ang halaga, Hindi ‘yan makatao.

vuukle comment

ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with